"anyari?" curious na tanong ng kaibigan ko. Pagkagaling sa restaurant, dumeretso agad sakanila. Ikinuwento lahat pati kaliit-liitang detalye.
"ang malas mo girl!.. sino ba namang tanga ang may dalang pera na dadaan sa masukal na lugar?" sumbat nito
"kaya nga nag-so-sorry diba!?"
"ok!,,about sa sinasabi mong kasal,, siya ba talaga yung guy??" tango lang ang aking isinagot. "gwapo ba?" tanong nito sabay lapit sa akin. Inalala ko ang mukha ng lalaki. Matangkad ito at moreno, maganda ang katawan, maganda ang tindig, ang mga mata nito'y parang kay Gabby C. ang ilong naman ay parang ginawa ng magaling na surgeon at ang mga labi... "hoi! ano nah!? gwapo bah??" bigla akong natauhan sa tanong nito.
"mukhang siyang bisugo na kapre na mataba na pangit na iwan!""na maitim" dagdag ko ps. Nagulat ito sa description ko.
"over naman!,, hayaan mo nalang kaya yun bess, wag mo ng gantihan bka mamya, tutuhaning pakasalan ka. Kadiri"
Pag-uwi ko naabutan ko ang kuya ko sa sala.
"so how's your day?,, nagustuhan mo ba siya?"
"mmm,,hmhm " saka ako tumango.
"i told you, his a good man and a nice catch."
"his my ideal man!,, nga pala kuya,, anong address ng company nila" tanong ko naisipan kong bigyan ito ng surprise visit pag nagka-oras ako.
Dahil ilang araw ng natambay sa bahay at dala narin ng pagkabagot, naisipan kong puntahan siWilliam para may mapag-tripan.
Pagdating sa kompanya ng mga ito, sinabihan ako ng information desk na sa huling floor sa taas pa ang opisina nito."yes mam?" tanong ng sekretarya nito.
"im looking for William Andrada, andyan ba siya?"
"may appointment po ba kayo?"
"wala,, but im willing to wait " sabi ko saka umupo sa upuang nakalaan para sa mga bisita. Ilang minuto na ako pero wala parin. Nag-cr nalang ako.
Pagdating sa cr may naririnig akong tila nagtatalo sa pang-lalaki. Dahil likas sa aking ang pagiging usyosera at chismisa inilapit ko pa lalo ang aking tenga sa pinto.
"baka may makarinig sayo! lets talk about this at home'' pinal na sabi ng isang boses. Ang sumunod na narinig ko ay pag-lock ng pinto.
"pakakasalan ko ang kahit na sinong babae,, wag lang siya.. shes crazy?" nakilala ko agad ang boses ni William. Tila siya ang pinag-uusapan.
"wala na akong magagawa, gusto ka narin daw ng anak ni kumpadre,"
"Dad please do something,'' pakiusap nito.
"im sorry, i cant, alam mo namang bata ka pa ay ipinagkasundo na kita." maramdamang lalabas na ang mga ito agad akong nagtago sa posteng natatakpan.
.
.
"ikaw na naman!?" gulat na sabi ni William ng makitang nakatayo sa may pinto ng opisina niya ang kahuli-hulihang taong nais niyang makita. Mas lalo siyang nainis ng ngumiti pa ito."Antonette ang pangalan ko po." diin nito sa pangalan saka siya sinundan papasok sa kanyang opisina. Nabigla siya ng prenteng umupo ito sa kanyang upuan.
"hey, wag ka ngang umupo diyan," sita niya rito. Nanlaki ang kanyang mga mata ng ilagay nito ang mga paa sa kanyang mesa. "ano ba! madudumuhin ang mesa!" lumapit siya rito saka niya ibinaba ang mga paa nito at inihipan ang parte na pinatungan ng paa.
"arte!'' parinig nito ''alam mo, one of this month magiging Antonette Andrada na rin ako. kaya magiging akin rin ang upuan at mesang ito." sabi nito saka siya nginitian ng nakakaloko.
"ano bang kailangan mo at naparito ka pa?" inis na tanong niya.
"well, kailangan ko ng kasama papuntang mall" sagot nito.
"ahh,, kailangan mo ng chaperon." pagtatama niya rito. Umiling lang ito.
"Hindi..,, kailangan ko lang ng taga-bitbit ng mga bibilhin ko." nakangiting pagtatama nito sakanya.
"yun lang? e bat hindi ka nagsama ng katulong nyo?" takang tanong niya rito. Nabigla siya ng bigla itong lumapit at hawakan nito ang pisngi niya.
"eh, gusto ko ikaw ang kasama,,e?" sabi nito saka nilaro ng daliri ang kanyang mukha. Sa Tingin niya'y nanayo lahat ng balahibo sa balat niya, kaya naitulak niya ito ng di sinasadya. Tumawa ito bigla.
"bakla ka'ba?" pag-question nito sa kanyang pagkalalaki. "bakla ka nga!!" sabi nito sabay tawa na parang kinikiliti ng demonyo. Hindi nalang niya pinansin ang kantiyaw nito
"ano bang kailangan mo?"
"samahan mo nga ako diba?"
"o, ano? akala ko ba mag-mo-mall ka? tara na." pumayag nalang siya para manahimik na ito. Agad siya nitong hinabol at binulungan.
"dont worry, your secret is safe with me." sabi nito na may pahawak-hawak pa sa puso. Natawa nalang siya ng pagak dahil rito.

BINABASA MO ANG
marry me, if you dare
Romansa"IKAW!!" gulat na sabi ni Toni at ng lalaking nagdala sa kanya sa presinto. Napag-bintangan kasi siya nitong kasama ng mga sindikato, at nais nila itong hut-hutan. "You must do everything to stop the wedding." mariing sabi nito. Hindi nito alam bini...