chapter 6

103 3 0
                                    

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ng hotel kung saan gaganapin ang kasal. Wala akong magawa kaya napag-tagtripan kong mag-drawing sa tissue gamit ang mga make-up ng baklang nag-aayos sa buhok ko. Dahil bagot na bagot sa paghihintay sa kasal lumabas muna ako ng silid para pumunta sa garden, pinagti-tripan ko ang bawat bulalaklak na madaanan. Marami-rami narin akong napipitas ng biglang may magsalita sa aking likuran.

" Alam mo bang parang ninanakaw mo narin yang mga bulaklak na kinukuha mo? " agad akong napabaling sa likod at tiningnan ito ng masama.

" Pakialam mo! isa pa, alam mo bang bawal makita ng groom ang bride bago ang kasal.!,, bumalik ka na nga ron." Imbis na umalis ay lalo pa itong lumapit sa akin. "Alam mo, kundi ko lang alam na bakla ka baka nag-kagusto na'ko sayo" biglang kong naibulalas. Talaga naman kasing umaapaw ito sa kakisigan sa sout nitong amerikana. Natigilan ito sa sinabi ko, saka ngumisi ng nakakaloko. Nagpatuloy ito sa paglapit sa akin na halos isang dipa nalang ang ang layo namin sa isat-isa.

" Bakla ba talaga ako sa paningin mo? "

" hindi,, ay! ou!"

" Gusto mo bang malaman kung bakla talaga ako? " sabi nito habang unti-unting inilalapit ang mukha, hindi ko napansin na nakapikit na pala ako habang hinihintay na dumampi ang mga labi nito sa labi ko, ilang segundo ang lumipas pero wala paring nangyayari kaya't idinilat ko ang aking mga mata. Bigla akong sinalakay ng hiya ng likod nalang nito ang aking nakita. Pumasok nalang ako sa kwarto at dali-daling nag-sulat upang gumawa ng do and donts namin .

Ilang sandali ang lumipas bago ako pinaglakad sa altar. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin ng may halong pag-hanga. Wala akong ibang nakikita kundi ang mukha ni William na nakangisi sa akin. Nang ibigay na rito ng papa ang aking kamay, hinawakan ko ng sobrang higpit ang kamay nito para maiparating rito ang inis ko ngunit ngumisi lamang ito. Habang nag-bibigay ito ng vow ay tila totoong-totoo rito ang mga sinasabi, malapit na sana akong maniwala kung hindi ko lang kilala ang nagsasalita, ang aking vow naman ay simple lang na ginawa pa ng kapatid ko.

" you may now kiss the bride." anunsyo ng pare. Nagulat ako ng pa-smack ako nitong halikan. Makikita sa mukha nito ang nakakalokong ngisi. Ngumisi rin ako saka hinila ang kurbata nito bago siniil ng halik. Halata ang gulat nito.

"Get a room!!"hiyawan ng mga tao.

" paano? maiwan na namin kayo. You two enjoy your honeymoon " sabi ng ama ni Willam bago mag-paalam. Sumunod naman ang aking ama.

" Hija, aalis na kami,, hijo ikaw nang bahala sa anak ko. "

" huwag po kayong mag-alala, she's in good hands. " sagot nito sa aking ama.

" sige hijo, maiwan na namin kayo, hija. " sabi ng ama bago umalis.

" sa'n tayo pupunta? " bagot na tanong ko saka tumanaw sa labas ng bintana.

" narinig mo naman siguro ang sabi nila, syempre sa honeymoon natin." agad akong napabaling rito.

"hahaha nakakatawa. umayos ka nga! sa'n ba talaga ang punta natin?"

" Bakit,, natatakot ka ba sa honeymoon natin? " ngumiti ito ng nakakaloko. "dont worry im harmless" saka ako kinindatan.

" Tumugil ka nga! hindi ka nakakatuwa! " sabi ko saka naalala ang ginawang kasulatan para sa kanilang dalawa. "ay nga pala,, paki-permahan nalang ito."

" ano to? "

" basahin mo kaya, para malaman mo, di ba!? " sarkastikong sabi ko.

" Isinasaad rito ayon sayo na magsasama tayo ng tatlong buwan saka kukuha ng annulment? at narito rin sa kondisyon mo na bawal kang hawakan? bawal akong lumapit ng di lalagpas sa tatlong dipa? at dapat kitang pakisamahan ng maayos?,, huh! wow,, ka-kakasal lang natin annulment agad ang pinag-uusapan? do you think i will consider annulment after the wedding? "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

marry me, if you dareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon