Prologue

50 3 0
                                    

Simula

"Ang ganda ng apo ko."

"Lolo!" Mahigpit na yumakap ako kay lolo pagkapasok ko sa loob ng bahay.

Ito yong araw kung kailan kami dadalaw kay lolo. Dito narin kami matutulog dahil Sabado naman bukas at walang pasok.

"Thank you po lolo." Nakangiti kong tugon sabay upo sa tabi niya para manood nang TV. Sakto naman at iyong paborito ko ang palabas ngayon.

"Apo"

Napalingon ako kay lolo ng tawagin niya ako.

"Pagdating ng tamang panahon, pakakasalan mo ang apo ng matalik kong kaibigan. Sigurado akong malaki kana non at baka wala na ako dito sa mundo." Sabi niyang nakangiti.

"Paumanhin apo ko. Walong taong gulang ka pa lamang. Bata kapa at may karapatan ka kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo o kaya'y kung sino ang mamahalin mo. Pero mawawala 'yon sa'yo dahil sa amin." Malungkot na saad ni lolo.

"Okay lang po sa akin lolo. Kung yon ang gusto niyo, susundin ko po." Nakangiti kong tugon upang mawala ang kanyang lungkot.

"Pwede kang umayaw kung hindi mo gusto apo." Tumingin siya sakin ng seryoso at kung may anong emosyon na dumaan sa kanyang mga mata na di ko mawari kung ano.

"Pero iyon po ang gusto niyo diba 'lo? Gagawin ko po yon 'lo para po sa inyo." Masaya at inosente kong sagot kay lolo. Kahit sa murang edad, alam kong para din iyon sa aking kapakanan.

Napangiti siya ng marinig ang sinabi ko.

"Ang bait at masunorin talaga ng apo ko." Sabay haplos sa aking buhok.

"Ako pa! Hindi lang ako mabait lo, maganda pa!" May pagmamalaki kong sabi at sabay kaming natawa ni lolo.

*****
PS: hindi pa po ito na'eedit marami pong typo's, pero sana magustohan niyo parin salamat po sa pagbabasa.😘😘😘

The Game of Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon