Chapter 11 ( Ghost )

7 1 0
                                    

TINAY'S POV.

"Excuse me. Miss Moretan go to my office now." Biglang sulpot ni sir Hunt sa table namin.

"But sir, I'm eating. Pwede pong maya nalang? Pero kung pipilitin niyo ako sasama naman ako sayo." Ayaw ko sanang umalis kasi naman kumakain pa ako tapos nandito si Kristan. Sayang naman yung moment na'to. Pero okay lang din kasi siya naman nagpapapunta sakin sa office, so, sino ba ako para humindi sa asawa ko hehehe, (self wag pahalatang kinikilig madaming tao sa paligid).

"No!" Seryoso niyang sabi, at agad ng umalis palabas ng canteen.

"Bakit parang galit 'yon." Nagtataka kong tanong sa harap ng mga friends ko.

"Go na girl kami ng bahala kay papa pogi." Nag iinarteng sabi ni Rey at malagkit na tumingin sa kaharap niyang si Kristan.

"Huwag mong landiin 'yan, babalik ako. Dapat 'pag balik ko buo payan." Biro ko sakanya. Baka kasi wala na akong balikan at baka pagbalik ko ay sila na.

"Umalis ka nalang baka uminit pa lalo ulo ni sir sa'yo, kaya baka ibagsak kana." Pagtataboy niya sakin.

"Ako pa tinakot mo, 'di ako ibabagsak non hahaha." Pag ako binagsak no'n, 'di kona siya mahal hahaha!

"Yabang, kapag ikaw binagsak no'n pagtatawanan lang talaga kita." 'Di nagpapatalo na sagot ni Rey at inirapan lang ako.

"Arte mo, 'di ka naman maganda." Pabirong pagtataray ko naman sakanya.

"I'm okay, don't worry. Punta kana sa office ng Prof. niyo." Nabaling ang tingin ko sa nag salitang si Kristan. Ang gwapo niya lalo na 'pag nakangiti. Kung wala lang akong asawa, jojowain ko talaga siya.

"Sige, ba-bye! Balik ako maya." Nginitian ko siya ng napakalaki bago tumayo at nagmamadaling umalis.

**Office**

Pagdating ko sa tapat ng office niya, I knocked 2x before I open the door.

"Hello sir!" Nakangiti kong salubong sakanya.

Nakasilip ang ulo ko sa pinto ng office niya na binuksan ko ng unti. Pero siya? Walang pakialam, 'di man lang tumingin sa'kin. Tutok na tutok lang siya sa ginagawa niya. May binabasa siyang paper. Kahit napaka sungit niya, okay lang. Ang gwapo pa rin niya sa suot niyang salamin habang seryosong nagbabasa.

"Come in." Agad ng akong pumasok sa loob ng office niya at tumayo sa harap ng table niya kung saan siya nakaupo.

"Ahh... sir, bakit niyo po ako pinapunta dito?" Magalang kong tanong. Nahihiya ako kasi kaming dalawa lang dito naaalala ko yong nangyari samin no'ng isang gabi pero kailangan ko paring umakto ng tama kasi first of all teacher ko siya.

"Did I?" Nagtatakang tanong niya.

"Ahh, yes sir. Sabi mo now na, kaya sumunod agad ako sayo... Kaso ang bilis niyo kaya 'di ko na kayo naabutan." Nagtatakang sagot ko sakanya. Kanina lang pinipilit niya akong pumunta dito tapos ngayon wala siyang pakialam sakin.

"Uhhh... Yeah, that bastard." Mahinang bulong niya.

"Ano po 'yon sir?" 'Di ko kasi narinig kung anong sinabi niya.

Napatigil siya sa pagbabasa at tumingin sa'kin. "Mag aral ka mag papa quiz ako bukas." After niyang sabihin 'yon ay bumalik ulit siya sa pagbabasa.

"Opo sir!" Ay sus, nag-aalala lang pala siya sakin eh. Nahihiya ba siyang sabihin 'yon sakin kanina sa harap ng mga friends ko kaya pinapunta niya ako dito? Pinagod lang niya ako pero okay lang, love ko naman siya hahaha!

"Ano pang ginagawa mo dito?" Takang tanong niya habang seryosong nakatingin sakin.

"Baka po may sasabihin kapa?" Kinikilig kong sabi, 'di kona kasi mapigilan sarili ko na wag ipahalata sakanya na kinikilig ako.

"Wala na akong sasabihin, You can go out now!" Galit niyang sabi at matalim na nakatingin sakin na parang handa na siyang patayin ako.

Bilis naman mag chang ng mood niya g*gi maka alis na nga bago pa niya ako mapatay nang tuluyan.

"Opo sir!" Nagmamadali akong lumabas ng office niya. Baka kasi bigla niya akong sakalin hanggang sa maubusan ako ng hininga. Ayaw ko pa namang mamatay.

"Hala, multo!" Gulat at takot na sigaw ko pagkasara ko sa pinto ng office.

"I'm not a ghost, and please move dadaan ako." Agad naman akung napaalis sa pagkakaharang sa pinto. Mabilis niyang binuksan ang pinto at agad na pumasok sa loob ng office.

"Hala tang*na, kinausap ako ng multo?" Sa sobrang takot ko ay nagmamadali akong tumakbo palayo sa office niya.

"May multo!" Hingal at takot kong sigaw sa loob ng canteen sa harap ng mga kaibigan ko.

"Girl, tirik na tirik yung araw, walang multo sa umaga." Natatawang sabi ni Rey.

"Anong akala mo sa multo panggabi lang takot umitim?" Pabalang na sagot ni Kim.

"Hoy girl, okay kalang?  kalma lang." Biglang alalang tanong ulit ni Rey, napansin niya atang seryoso ako dahil sa takot na takot ako.

"What happened?!" Nagaalalang tanong ni Kristan, 'andito pa pala siya hinintay niya talaga ako.

"Si sir Hunt kasi diba pinapunta niya ako sa office niya after namin mag usap, pagkalabas ko sa office niya may nakita akong multo nasa labas ng pinto nakatayo huhu,,." Takot at mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanila.

Nagtatakang nakatingin na pala samin yung ibang students na kumakain din.

"Kumalma ka nga." Hinila ako ni Pipay na maupo sa gitna nila ni Kristan kung sa'n ako nakaupo kanina, at pinainom ng tubig, agad ko naman itong ininom.

"Sige, ubusin mo 'yan para kumalma ka." Naramdaman kong hinimas-himas niya ng mahina ang likod ko habang umiinom ako ng isang bottle ng mineral water.

"Thank you." Kalmadong sabi ko pagkatapos kong maubos ang tubig.

"Ngayon sabihin mo, ano bang nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ni Pipay.

"Baka pagod lang ako kaya kung ano-ano nalang nakikita ko." Mahinahong sabi ko at napayuko. Nahihiya ako, baka isipin ng ibang tao na baliw ako.

"Ano bang tinitingin-tingin niyo diyan?" Galit na sigaw ni Pipay sa mga taong nasa kabilang table na nasa likod namin.

"Baka may lagnat ka pa, kanina din kasi sa room tulala kalang." Nagaalalang sabi ni Lara, tumango naman ako ng paulit-ulit.

"Baka nga girl, gusto mo hatid ka namin pauwi?" Nagaalalang hinawakan ni Rey ang dalawang kamay kong nakapatong sa mesa.

"Ako nalang mag-uuwi sakanya." Agad na presinta naman ni Kristan. Paulit-ulit akong napailing sakanya.

"Okay lang ako, 'wag kayong mag alala. Atsaka, ayaw ko pang umuwi, 2 days na akong absent, baka bumagsak na ako nito." Mahinahong paliwanag ko sakanila para 'di sila mag-alala, lalo na si Pipay na sobrang OA, parang nanay lang ang dating.

******

Someone POV.

"What are you doing here?" Napatigil sa ginagawa ang prof. at seryosong tumingin sa bagong dating, nagtatakang tanong niya dito.

"Anong pinag-usapan niyo?" Binalewala ng bagong dating ang tanong sakanya at naupo sa maliit na sofa nang walang paalam. Habang sinusundan siya ng tingin ng professor.

"I just told her about the quiz tomorrow so she can study, (Gagawa tuloy ako ng questions para sa quiz nila bukas.)" Naaasar na naibulong ng professor ang huli niyang sinabi, dahil ayaw niyang magalit ito sakanya.

"Ohhhh?" Walang pakialam at parang 'di naniniwala na sagot nang bagong dating.

"Why did you come here?" Naiinis siya sa bagong dating kasi bigla bigla nalang itong sumusulpot sa school ng walang paalam.

"I just want to see her." Matigas na sagot ng lalaki.

"Without informing me." Naiinis ang prof. pero wala siyang magawa.

"I'm leaving." Agad na tumayo ang lalaking nakaupo sa sofa at naglakad papuntang pinto.

'Di makasagot at walang magawa ang Prof. kun'di tignan lang sa likod ang lalaking papaalis hanggang sa buksan na nito ang nakasarang pinto.

"Don't hurt my girl, little brother!" Ang huling sinabi ng lalaki bago humabas at isara ang pinto ng opisina.
------
Thank you for reading ❤️

The Game of Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon