Tinay POV.
"Kahit bagyo kaya kong pigilin,
Kahit baha kaya kong tawirin,
Walang makakapigil sa akin,
Sayo lang ako at ikaw ay akin.""Uh, aking mahal na asawa ako'y laging nandito para sa iyo,
Wag mong kakalimutan, magunaw man ang mundo,
Ikaw pa rin ang laman nitong puso ko, Walang magbabago."Nadulas ang pagmomoment ko nang pagtawanan ako ni Pipay na katatapos lang maligo.
"Nice girl, para kang t*nga." Napapalakpak na komento ni Pipay, ang dakilang kaibigan ko sa love life.
"Sshhh kalang diyan. Shut up na, okay?" Baling ko sa kanya na nasa gitnang labi ang isang daliri para sabihing tumahimik siya.
"Hahahahaha! Maaga pa para mabaliw ka, kain ka muna." Tawa lang ang g*ga.
"Anong breakfast?"
"Mahabang red hotdog, maputing itlog, may white liquid din d'yan— I mean milk, meron d'yan, and meron ding juice. Pili ka na lang kung anong gusto mo." Anong kagag*han ang pinagsasabi nito.
"Nga pala, may nakakalimutan ka 'atang sabihin sa akin."
"At ano naman 'yon, hah?" Iritableng tanong ko habang hinahanda na ang kakainin ko, gutom na ako eh.
"Iyong 'di ka umuwi ng dalawang araw." Taas kilay at matalim ang tingin na tanong niya sa akin.
"Mamaya na lang, kwento ko sayo pag bedtime na para feel na feel mo hahahaha." Inggitin ko siya mamaya, hahaha!
"Baliw ka na nga, pa-mental kana!" Nangdidiri niyang sabi at pumasok sa kwarto niya.
**School**
~Omg anong ginagawa niya dito? Mag-so-sorry ba siya sa akin kasi iniwan niya ako sa condo niya para lang pumasok siya sa school? Sabi ko naman kahapon na okay lang iwan niya ako, mababa naman na lagnat ko, ako nga dapat mag-sorry kasi umalis akong walang paalam. ~
"Good morning class!" Bati niya pagkatayo niya sa may tapat ng whiteboard.
Akala ko naman lalapit siya sa akin, hindi pala kasi huminto siya sa tapat ng whiteboard. Nag-assume pa naman ako. Akala ko, ako talaga yung pinuntahan niya dito.
"Good morning sir!" Sabay-sabay na bati ng mga classmates ko.
Nagulat ako nang maramdaman kong biglang may sumipa ng paa ko. Pagtingin ko sa baba, paa pala ni Pipay.
"Girl, ano? Nganganga kana llang diyan?" Bulong niya sa akin, bigla naman akong napatayo sa upuan ko nang mapansin kong lahat sila ay nakatayo at nakatingin sa akin.
"Good morning sir!" Nahihiyang sigaw ko habang nakayuko ang ulo.
Lahat sila nagpipigil ng tawa kahit ang asawa at kaibigan ko.
"Ako na ngayon ang papalit kay Professor Jil for the meantime kasi kakapanganak lang niya." Oh, now I know na kaya pala 'andito siya, kasi naman never ko pa siyang naging teacher, umiiwas ata siya sa akin. Pero bakit biglang 'andito siya ngayon, ano, hindi na siya umiiwas? Kasi ang daming pwedeng pumalit na professor pero siya yung 'andito. Baka naman no choice lang, hayaan na. Pero ang importante ay nandito siya.
After a few minutes*
"I have a question."
Sh*t, bakit nakatingin siya sa akin? Maganda ba ako ngayon? G*go, matagal na pala akong maganda. Baka naman may dumi ako sa mukha? Kinapa ko ang mukha ko na baka may dumi nga ako, pero parang wala naman...
BINABASA MO ANG
The Game of Identity
RomanceTinay is destined to marry a mysterious man, they were arranged married by their grandparents for the sake of the heir and friendship. That person was his professor that what she thought but it's a different person. Because that professor was the tw...