Chapter 9 ( Can't walk )

13 1 0
                                    

Tinay POV.

Nagising akong ibang damit ang suot ko isang gray t-shirt at black shorts na pang lalaki.

~ "Bakit pang-lalaki?" ~

~ "Nasaan ba ako?" ~

~ "Bakit 'di familiar sa akin ang kwartong 'to?" ~

~ "OMG! Baka na-kidnap ako?" ~

~ "Pero wait lang dapat naka-tali ako?" ~

~ "Bakit iba damit ko?" ~

~ "Baka na-rep ako?" ~

~ "Edi dapat pinatay na ako ng kidnapper ko!" ~

Ang gulo ng isip ko! 'Di ko na alam kung 'asan ang tama o mali doon.

"Girl isipin mo muna kung anong nangyari sayo kagabi! 'Wag kanang mag-isip ng kung ano-ano." Pagpapa-kalma ko sa sarili ko para makapag-isip ng tama.

Flashback:

"Where me and you going ba ahhh?" Tanong ko sa kanya.

"You're drunk." Matalim niya akong tinitigan sa mata para ano... para takutin niya ako. ~'Di oobra yan sakin wala me pake...!~

"No, no, no! I'm not drunk!" Walang pakialam na sigaw ko.

"I'm not." Tinulak ko siya para mabitawan niya ako, at pagewang-gewang na nag-lakad papunta sa ibang direction ng bigla niya akung hilain pabalik.

"Let's go." Aya niya sa'kin.

"Wait wait, what did you do to me?" Nanghihina na ako pero ayaw ko pang umuwi.

"Don't loko-loko me. I'm not drunk I can drink more a lot." Pagbabaliwala ko sakanya.

"You're drunk." Matigas niyang sabi.

"No, hindi! I want to dance, gusto kong mag-enjoy ngayong gabi!" Sigaw ko habang  napapa- kembot-kembot pa sabay taas ng mga kamay. Basta gusto kong sumayaw ngayon!.

"You want to enjoy the night?" Biglang nakangiti niyang tanong.

"Oo! Yes! I want to enjoy bakit, pasasayahin mo ba ako?" Sigaw ko sa harap niya habang nakaturo ang hintuturo ko sa pagmumukha niya.

"Kung ayaw mo bitawan mo na ako, babalik ako doon." Turo ko sa bar na pinanggalingan ko.

"Doon ako mag-eenjoy hinihintay na ako ng mga kasama ko!" Malakas na sigaw ko sa may parking lot.

Maglalakad na sana ako palayo pabalik sa bar, nang bigla niya akong hilahin nanaman at sapilitang pinasok sa sasakyan niya.

"No, no! I don't want to go." Sigaw ko sa loob ng sasakyan niya sabay hampas ng mahina sa salamin gamit ang mga palad ko.

"Anong gagawin mo? Hoy! hahalikan mo ba ako?! 'Wag po virgin pa po ako, tapos may papakasalan na po ako." Sigaw ko na naman habang nakatakip sa mukha ko ang mga palad ko tapos nakasilip ang mga mata sa gitna ng pinaghiwalay na daliri.

"Wala akong gagawin sayo." Akala ko anong gagawin niya sakin, apaka OA ko.

'Yon pala ay lumapit lang siya sa akin para ikabit ang seatbelt ko. Umayos na siya ng upo at kinabit na rin ang seatbelt niya bago pa-andarin ang sasakyan.

"Sleep ka muna, I'll wake you up later."

May narinig akong sinabi siya, pero 'di ko narinig ng malinaw dahil sa hilo kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na pala ako.

The Game of Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon