"YARA KALIA POV"
Hindi ko alam kung kailan to nagsimula.Hindi naman ako naiilang sa kanya dati at mas lalong hindi ako kinakabahan.
Pero nong hinalikan niya ako lahat nag bago.
Kung dati wala akong pake kahit magkatabi pa kaming naka upo sa sofa,ngayon kinakabahan na ako.
Sa tuwing magkaka lapit kami para akong mauubusan ng hininga.
"Yara"ito na naman sa tuwing tinatawag niya ako gamit ang pangalan ko, hindi ko maiwasan mapangiti.Mabilis kong kinalma ang sarili at napa buntong hininga.
Ano bang nangyayari sakin? Nababaliw na ata ako.
Ewan ko ba, kapag tuwing tinatawag niya ako parang ang sarap pakinggan sa tainga.
"Ha?"nagtataka kung tanong at nilingon siya.Busy kasi ako sa phone ko dahil nag upload ako ng gawa kong crochet.
Sa isang buwan, nakagawa ako ng limang wallet crochet kaya ngayon i po-post ko na sa social media.Sana nga lang may bumili.
"Punta tayo sa Mall"nakangiti niyang sabi kaya mabilis akong umiwas nang tingin sa kanya.
Bakit noon kapag nakikita ko siyang ngumi-ngiti wala akong pake, pero bakit ngayon ang sarap tingnan ng ngiti niya.
"Bakit?"mataray kung tanong.Ayokong ipahalata sa kanya na kinakabahan ako.
"Bibili ng grocery natin"tipid niyang sagot at binalik ang tingin sa T.V,napanguso naman ako nang marealize na wala na akong pera.
Kahit piso wala.
Ang hirap maging mahirap.
Kakabayad palang kasi namin ng Apartment kaya wala akong pera na natitira.Buti nalang talaga naka hanap agad ako ng trabaho kasi kung hindi agad ako nakahanap wala akong ipambabayad sa Apartment.
"Ah eh ikaw nalang"nakangiti kung sabi at mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko nang may nag mine sa pinost ko.
"Why?"narinig ko ang pagtataka ng boses niya kaya tumingin ulit ako sa kanya.
"Wala pa akong pera"nahihiya kung sagot sa kanya.
"My treat"deritso niyang sabi kaya mabilis akong umiling sa kanya.
Ayoko nga, nakakahiya na.Nitong mga nagdaang araw pinagsasaluhan namin yung mga niluto niya dahil ubos na ang pagkain ko sa ref.
Nahihiya na talaga ako sa kanya.
Umaasa na lang ako parati sa kanya.
"Wag na, makakabenta na naman ako"sagot ko at pinakita sa kanya yung phone ko na may nag mine sa gawa kong wallet crochet.
"Don't worry,hindi naman ako magpapabayad sayo"sagot niya kaya umiling ulit ako.
"Wag na baka isipin mo abusado ako masyado, Zach"nakanguso kong sagot at binalik ulit ang tingin sa phone para ma replyan ko na yung nag mine sa pinost ko.
"Didn't think that"malamig niyang sagot kaya ngumiti lang ako sa kanya.
Hindi ko na kasi alam ang sasabihin.At isa pa ang bait niya sakin ayokong abusohin yon baka magsawa siya.
"Baby"muntik na akong mahulog sa kina uupuan ko nang marinig ang sinabiya.
Gago siya.Ano bang nangyayari sa kanya.Pangalawang beses na to.
Nakakagigil.
"Z-Zach"kinakabahang kong banta sa kanya at tiningnan siya nang masama.
"I'm just teasing you"natatawa niyang sabi kaya napairap ako.
