CHAPTER 5

54 8 8
                                    

"YARA KALIA POV"

Dati,hindi ako tumatanggap ng tulong sa iba.Dahil natatakot ako na baka hindi ko sila masuklian.

Pero ngayon isasantabi ko mo na ang mga iniisip ko.Gusto ko nang magsimula.Gusto ko nang makabangon sa pagkakadapa.

Gusto ko sanang sagutin ang ilang mga harsh comment na binabato sakin,dahil gusto kong ipagtanggol ang sarili ko.Kaya lang iniisip ko na agad na baka mas lalo lang silang magagalit sakin.

Bakit pag ginawa sa akin okay lang? Pero bakit pag ako ang gumawa ang sama sama ko?

Ang hirap pakisamahan ng mga tao.Ang hirap kapag mabait ka,dahil palagi kana lang natatapakan.

Ang hirap maging ako.Kasi kahit gusto ko nang ipagtanggol ang sarili,hindi ko magawa dahil takot na takot ako na baka mas lalo lang silang magalit sakin.

Funny right? Iniisip ko parin kung anong magiging reaksyon nila.

Pinikit ko ang mga mata ko at nagpawala nang malalim na hininga.

Magiging okay din ako!

Matapos kasi namin mamili ng mga materials na gagamitin ko sa crochet ay may nakasalubong kaming babae. Tapos may pinagsasabi sila nang kung ano-ano tungkol sakin.Buti nalang nahila ko ka agad si Yish kasi kung hindi ko siya napigilan sumugod na yon sa mga babae para ipagtanggol ako.

Atleast may Yish ako na kaya akong ipagtanggol.

Matapos ang nangyari kanina ay inaya ko na agad si Yish na umuwi.Dahil alam kung galit na galit na talaga siya at gusto kong kumalma na siya dahil may trabaho pa siya mamayang gabi.

Ako naman umuwi nadin dahil gusto ko nang simulan ang paggawa ng crochet dahil gusto ko na agad maka benta.

Nang makapasok ako sa loob ng Apartment ko hindi ko mahagilap si Zach.Napatingin naman ako sa relo ko.It's already 7 pm pero wala parin siya.

Hindi ko nalang yon pinansin.Baka may pinuntahan lang siyang importante at isa pa hindi dapat ako mangi-alam kung nasaan siya.

Napag desisyonan kong maligo na mo na kaya nang matapos akong maligo ay kumain na agad ako para hindi na ako maistorbo mamaya.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay kinuha ko agad ang materials ko at nilagay yung sa table ko.Hindi ko naman maiwasan mapangiti habang tinitingnan isa isa ang mga materials.

Miss ko na sila Mama at Papa..

Noon kasi ito ang bonding na ginagawa namin.Sa tuwing wala silang trabaho ay gumagawa kami ng mga crochet para sa mga sarili namin.

"Kaya ko to"i murmured to myself.

Wallet ang naisipan kong gawin dahil mas gamay ko na ang pag-gawa nito at isa pa kung gagawa ako ng mga damit I'm sure na kukulangin ako sa materials.

Seryoso lang akong gumagawa ng wallet crochet nang bigla akong napahinto sa paggawa dahil narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng apartment ko.

Naisipan kong e hinto mo na sa paggawa ng wallet crochet at lumabas mo na ng kwarto dahil gusto kong makasigurado kong si Zach nga ba talaga ang pumasok.

Tama nga ako.

"Zach"nag-alala kung sabi at dali dali siyang nilapitan dahil muntik na siyang matumba.Tinulungan ko ka agad siyang hubarin ang sapatos niya.

Matapos kong hubarin ang sapatos niya ay agad kong hinawakan ang baywang niya para matulungan siyang maglakad papunta sa sala.

"You're drunk"mahina kung sabi nang ma amoy ang hininga niya.Nakita ko naman na may sugat sa gilid ng labi niya.

TAHANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon