"YARA KALIA POV"
Sa paglabas pa lamang namin ni Yish sa Apartment ko narinig ko na agad ang sermon niya sakin.
Mabilis kong tinakpan ang tainga ko at agad na tumingin sa mga tao na naglalakad.
"Ewan ko sayo babae ka"rinig kong sermon niya kaya napanggap agad ako na hindi siya naririnig.
"Kaya pala ayaw mo akong papuntahin sa Apartment mo"
"May bina-bahay ka na palang lalaki"
"Pero infairness ang gwapo ahh,Saan mo napulot?"natatawa niyang tanong kaya mabilis akong napairap sa kanya at tinggal ang kamay ko na nakalagay sa tainga.
Tiningnan ko naman siya nang naliliit kong mga mata.
"May sinasabi ka,Yish?"inosente kong tanong kaya inirapan niya ako.
"Sino yon?"tanong niya kaya napabuntong hininga ako at sinabi sa kanya lahat lahat kung paano kami napunta sa ganoong sitwasyon ni Zach.
"Pero wala ba siyang girlfriend?"paninigurado niya kaya mabilis akong nagkibit balikat.
"I don't know"tipid kong sagot at humugot nang malalim na hininga.
"Tanungin mo baka mapagkamalan kang kabit"paala niya kaya napakagat labi ako at tumango.
Tama,kaya dapat itanong ko kay Zach kong may girlfriend na ba siya o nililigawan.Hindi kasing magandang tingnan kung may girlfriend pala siya tapos magkasama kami sa iisang Apartment.
Sinabihan ko ka agad si Yish na wag kausapin o gulohin si Zach nang pumasok kami sa loob ng apartment ko.
"Yish"pagpapa-alala ko kaya umirap siya sakin at tumango.
Pagpasok namin sa loob ay nakita namin si Zach sa Verandah na may kausap sa phone.
"Ang gwapo talaga,mas gwapo pa kay Kit"pa iling iling na sabi ni Yish kaya mabilis ko siyang binatukan.
"Ikaw talaga basta gwapo ang bilis agad ng mata mo"natatawa kung sabi at hinila siya papunta sa kusina dahil hindi padaw siya kumakain.
Habang kumakain si Yish ay nakatingin lang kaming dalawa kay Zach na naglalakad na ngayon papunta sa sala at umupo don habang ang mata nakatingin parin sa phone niya.
Sino kaya ang tinatawagan niya?Yung girlfriend niya?
Bakit hindi ko tinanong sa kanya kung may girlfriend na ba siya?
Bakit ang tanga ko.
At higit sa lahat bakit nakaramdan ako nang pagkainis sa tuwing naiisip ko na may girlfriend siya.
Okay lang ba ako?
Mabilis kong inalis ang tingin kay Zach nang mapatingin siya sakin kaya napalunok ako at tumingin nalang kay yish na busy sa pagsasa ulo ng mukha ni Zach.
"Mayaman"sigurado niyang sabi kaya napatango ako sa kanya.
"Anong apelyido niya?"mahina niyang tanong kaya nagkibit balikat ako kay Yish.
Ngayon ko lang naisip na hindi ko pa pala talaga kilala si Zach nang lubusan.Hindi kagaya niya na masyado na siyang maraming alam tungkol sa akin..
Bakit hindi ko naisip na kilalanin siya.May karapatan din naman siguro ako diba?Dahil ako minsan sinasabi ko sa kanya ang problema ko samantalang siya hindi niya sinasabi.
"Nagpa tira ka sa Apartment mo nang hindi mo kilala nang lubos"nag-alalang sabi sakin ni Yish kaya napalunok akong tumingin sa kanya.
"Tatanungin ko mamaya"sagot ko at ngumiti kay yish dahil sa sunod niyang sinabi.
