"YARA KALIA POV"
Unti unti na akong nasasanay na may kasama akong lalaki dito sa Apartment ko.
At akala ko unti unti na akong nakaka-ahon sa paglubog dahil sa sobra kong pagmamahal kay Kit.Akala ko medyo okay na ako pero hindi pa pala.
Akala ko lang pala yon.Hindi pala madali ang maging okay.
Napagdesisyonan ko na din na hindi mo na ako lumabas ng kwarto ko. Dahil mugto ang mata ko sa kaiiyak kagabi.Nahihiya akong lumabas baka pagtawanan lang ako ni Zach.
May nabasa kasi akong masakit na sinabi sakin ng isang fan ni kit.Sa lahat nang nabasa ko yon na yung pinakamasakit kaya hindi ko mapigilan ang maiyak.
Hindi narin ako nakatulog nang maayos kagabi dahil nag overthink na naman ako,akala mo naman talaga may utak ako.
Napakunot noo naman ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.Kahit hindi ko nakikita kung sino yon,alam ko na si Zach yon.Dahil siya lang naman ang kasama ko dito sa Apartment ko.
Alangan naman multo ang kumatok.
"Ano?"sigaw ko at hindi na nag-abalang tumayo sa kama ko dahil wala naman akong balak na lumabas.
"Let's eat"rinig kong sabi niya kaya napakunot noo ako at napatingin sa phone ko kung anong oras na.10 am na pala tapos hindi pa siya kumakain
Wala naman sakin ang pagkain niya, bakit hindi pa siya kumain.
"Hindi pa ako gutom"sigaw ko ulit at agad na niyakap ang unan ko.Hindi na siya nagsalita kaya naman nakahinga ako nang maluwag.
"You need to come out.Someone waiting for you"ulit niyang sabi kaya napanguso naman ako.
"Sino naman?"sigaw ko ulit sa kanya.
"Shopee daw"sagot niya kaya napakunot noo naman ako.Wala naman akong inorder.
Wala na nga akong pera tapos mag o-order pa.
"Sabihin mo wala akong inorder"tamad kung sabi at agad na lumapit sa pintuan ng kwarto ko.Hindi ko parin binubuksan ang pinto, pero lumapit na ako dahil nakakapagod palang sumigaw.
"Why me?"taka niyang tanong kaya napairap ako sa kawalan.
"Sabihin mo nga wala akong inorder, baka nagkamali lang siya ng address"mahinang sabi ko sa kanya habang nakaharap sa pintuan ko.
"Lumabas kana lang, kawawa naman yung tao,kanina pa naghihintay"sabi niya halatang kinokonsensya ako.
Wala naman akong nagawa kaya kahit mugto ang mga mata ko at halatang sabog ay lumabas nalang ako ng kwarto.
Nang mabuksan ko na ang pintuan ko ay nakita ko naman si Zach sa labas ng pintuan ko na nakangiti pero dahan dahan nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ang itsura ko.
"Are you okay?"nag-alala niyang tanong kaya tumango lang ako at agad na naglakad palabas.
Pero bigla nalang kumunot ang noo ko nang makitang wala namang tao sa labas.Tumingin naman ako kay Zach na nagtakaka.
Pero seryoso lang ang mukha niya na nakatingin sakin.
"I'm sorry.I just want you to come out in your room.I'm just worried"seryoso niyang sabi kaya napatango lang ako sa kanya at akmang babalik na sa kwarto ko nang hawakan niya ang kamay ko.
"Bakit?"taka kong tanong kaya binitawan niya ang kamay ko.
"Hindi ka kakain?"tanong niya kaya umiling ako.Tinatamad kasi akong mag luto kaya mamaya nalang ako kakain.
