CHAPTER 2

85 16 14
                                    

"YARA KALIA POV"

Nang makadating kami sa tapat ng Apartment ko,nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Ito ang Apartment mo?"di maka paniwalang tanong niya sakin kaya napataas naman ang kilay ko.

"Oo. Bakit?"nagtataka kung tanong pero lumunok lang siya. Hindi ko nalang siya pinansin at agad na binuksan ang Apartmet ko.

"Sayo nalang mo na tong tsinelas ko,Isa lang kasi ang available kung tsinelas.Bibilhan nalang kita bukas"paliwanag ko sa kanya kaya umiling lang siya.Napanguso naman ako bago sinuot ang tsinelas ko.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng Apartment ko ay nakita ko ang mabilis niyang paglunok.Parang hindi niya inaasahan na ganito ang madadatnan niya.

Hindi ko nalang iyon pinansin at naglakad na papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Matapos kung uminom ay nakita ko naman ang paglapit niya kaya agad akong nagsalin sa baso ko para bigyan siya ng tubig.

"Seriously?"

"Ha?"Nagtataka kung sabi

"Yan ba ang ipapagamit mong baso sakin?"di makapaniwalang usal niya.

"Arte"mahinang bulong ko at nagdabog bago kumuha ulit ng panibagong baso.

"Oh"masungit kung sabi bago binigay sa kanya ang tubig. Tinanggap niya naman yon at tiningnan ang buong paligid ng Apartment ko.

"Alam kung maliit lang to. Pero atleast may matutulugan ka"sagot ko at naglakad na sa sala. Sumunod naman siya sakin.

Sinenyasan ko naman siyang sumunod sakin papunta sa kwarto niya.

"Ito ang magiging kwarto mo"i smiled to him. His jaw dropped while looking the room.

"I thought she's... nevermind"mahinang bulong niya.Hindi ko yon narinig dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi niya.

"May sinasabi kaba?"naguguluhan kong tanong. Umiling naman siya kaya ngumiti ako at naglakad ulit sa sala.

"Yan ang C.R kung gusto mo maligo na. Maliit lang ang bathtub ko pag pasensyahan mo na"paliwanag ko habang tinuturo ang C.R.Mabilis siyang napabuntong hininga at napakamot sa ulo.

Napatitig naman ako sa kanya at nanlalaki ang mga mata ko nang magtama ang mga paningin namin.

Tang ina! bakit hindi ko siya tiningnan nang maayos kanina. Kasi naman yung suot niyang damit malalaman mo talaga na pang mayaman dahil kilala yang brand na yan.Gucci.

Mabilis naman akong napa ubo ng makita ang relo niya. Gago mayaman nga siya. Kasi kung titingnan ang mukha niya mukhang alagang alaga dahil sa sobrang kinis ganon din ang balat niya.

"Maliligo lang ako"tumango naman ako at agad na napa upo sa maliit kung sofa.

Kaya pala bigla nalang siyang nagtaka ng makita ang Apartment ko. Hindi siya sanay, pero bakit kailangan niya ng matutuluyan.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng marinig ko ang sigaw niya.Dali dali naman akong kumaripas nang takbo at agad na binuksan ang C.R.

"Fuck!"he cursed under his breath.Nagtataka naman akong tumingin sa kanya dahil sobrang siniksik niya na ang sarili sa may kurtina.

"Anong nangyari?"mabilis niya namang tinuro ang sahig kaya napatingin din ako.

May ipis lang pala.

"Ah may ipis...Bakit?"naguguluhan kung tanong kaya tiningnan niya ako nang masama.

"Ilayo mo sakin yan"banta niya kaya mabilis akong humagalpak sa tawa nang ma realize kaya pala siya sumisigaw dahil takot siya sa ipis.

"HAHHAHAHAHAH"malakas kung tawa. Ka lalaking tao pero takot sa ipis.

TAHANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon