𝐏𝐥𝐮𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫
ʀᴇx ᴏʀᴀɴɢᴇ ᴄᴏᴜɴᴛʏ
3:00 ━━━━━━━━❍─ 4:27
↻ ⊲⊲ Ⅱ ⊳⊳ ↺- / -
A WEEK had passed. So far, unti-unti naman akong nakakapag-adjust. Surprisingly, malaki ang ambag ng dalawa kong roommate sa adjustment ko. Nagagawa nila akong i-distract, which contributes a big help to my mental stability.
Sinulyapan ko muli ang aking cellphone para basahin ang mensaheng galing kay mama. I had to scroll up to see her previous message.
Saturday, 9:30 AM, Seeking Light Clinic.
I looked ahead. Sa aking harapan ay malaking nakapaskil ang pangalan ng konstitusyon.
Seeking Light
Psychological and Wellness ClinicI'm guessing I'm in the right place, I hope I am.
Tama nga si mama, hindi naman ganoon kalayuan ang clinic mula sa dorm ko. It's just a 10-minute walk. Pwede namang magjeep para mas mabilis, pero nag-aalala akong malampasan ang clinic nang hindi namamalayan. So I decided to walk instead.
Tumingin ako sa relong suot. It's already 9:25 AM. Saktong-sakto ang pagdating ko.
Tinahak ko na ang daan papasok ng clinic. Pagpasok ko sa loob ay ang front desk ang unang sumalubong sa akin. Sandali pa akong natigilan sa pagtataka. I was expecting that few establishments are occupying this building. Masyado kasing malaki ang building para maging isang clinic lang, pero ngayon mukhang nakumpirma ko nang iyong clinic lang talaga ang nag-ookupa sa buong building. Siguro ay hindi lang isang specialist ang namamalakad dito. That's probably it.
"Hi, good morning." Bati ko sa babaeng nasa front line desk. Kaagad niya naman akong sinalubong ng matamis na ngiti.
"Good morning, ma'am. How may I help you?"
"I have a psychological assessment with..." Kinuha ko muli ang phone para basahin ang huling mensahe ni mama. Doon ay binanggit niya ang psychologist na magco-conduct ng test sa akin. "Jacqueline Tolentino?"
"Just a minute, ma'am." She assessed something on her desktop, probably confirming my appointment. Maya-maya ay napatango siya bago muling lumapit sa akin. "The assessment room is in the second floor. Just take the elevator, then take the left route. You'll be able to see the assessment room along that hallway."
Nginitian at pinasalamatan ko naman siya bago ko tinahak ang direksyong sinabi niya.
Take the elevator and then go left. I mentally repeated.
Pagtalikod ko para tahakin ang elevator ay narinig ko pa ang muling pagbukas ng pinto, sinundan ng maligalig na boses ng babae sa front desk. Hindi ko naman na iyon nasaksihan dahil nakatalikod na ako sa kanilang direksyon.
"Good morning, Dr. Vergara! You have quite a lot of appointments for today."
Pinindot ko ang second floor button pagkaapak ko sa loob ng elevator. Nang makaayos ako ng tayo ay nasilayan ko pa ang interaksyon ng babae at ng kararating na lalakeng may suot na white laboratory gown, hindi ko na rin naman sila napagmasdan nang matagal dahil tuluyan nang nagsara ang metal na pinto.
Pagtuntong ko sa second floor ay kaagad akong kumaliwa tulad ng utos ng babae. Bawat pinto ay may nakadikit na silver plate labels, kung saan naka-indika kung anong klase ng silid ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
The Psychiatrist's Insanity
General FictionWarning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of sexual abuse, depression, & suicide