Kabanata IV

50K 966 1K
                                    

"GRABE, muntik na akong maligaw! Ang lawak naman ng SM nila rito. Ang daming pasikot-sikot!" Iritang sumipsip ang pinsan ko sa binili niyang hot coffee.

Just like what she said, narito kami sa SM nagkita, partikular sa labas ng food court kung saan open space ang establisiemento. Tanaw mula rito ang mga nakapaligid na gusali. It's like a huge veranda located on top of the mall.

"Nasaan ba ang mga kasama mo?" tanong ko saka sumubo sa pagkaing in-order niya. Gutom na gutom na talaga ako.

"Nasa burnham park sila, nag-usap-usap na lang kaming magkita mamaya sa The Mansion kapag uuwi na."

Hindi na ako nakasagot dahil abala ako sa pagkain. Mabuti na lang talaga at nag-order na siya habang nasa jeep pa lamang ako. Nanuyo rin ang lalamunan ko kasasalita kanina.

"Hoy bakla ka! Kaninong boses 'yong kanina, ha?! Grabe ang baritono! Isang linggo ka pa lang dito may ka-karingkingan ka na!"

Halos mabulunan naman ako sa sinabi niya.

Bwisit! Nakalimutan ko na nga ang kahihiyang 'yon, pinaalala niya pa!

"Nakahanap ka na kaagad ng cherry popper?"

Napairap ako habang umiinom. Pabagsak kong binaba ang baso sa mesa saka ko siya pinanlisikan ng mata.

"Doctor 'yun sa clinic na pinanggalingan ko. Nakasabay ko lang sa elevator."

"Ganon? Edi mashonda na pala?" Dismayado niyang wika sa pag-aakalang matanda na ang lalake kanina. "Sayang, umasa ako sa boses. Accent pa lang kasi, tunog sisirain na agad ang buhay mo." Bakas na bakas talaga ang panghihinayang sa mukha niya kaya napailing na lamang ako.

"Sirang-sira na nga buhay ko, papasira ko pa lalo?"

Sumipsip ako sa in-order niyang milktea. Alam niya talaga ang favorite ko.

"Sabagay," humalumbaba siya.

"Tsaka tingin ko hindi naman siya mashonda o matanda. Kaka-graduate siguro," I shrugged my shoulders. Hindi rin naman ako sigurado. Ang boses niya lang din ang tanging basehan ko.

"Uy, may pag-asa. Mine mo na 'yan, bhie!" Napapalakpak pa siya sa excitement.

Napairap na lang ako uli. "Bad idea,"

"No! Good idea!" Diin niya, mas nilapit niya pa ang mukha sa akin saka ako pinanlakihan ng mata. "Depressed ka, mental health professional siya! O diba, perfect combination?"

"Nang-aasar ka ba?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ako? Nang-aasar? Nagsusuggest lang naman!" Umayos siya ng upo bago pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. "Hindi ba't mas maganda naman talaga kapag therapist o psychologist ang partner ng isang taong may depression?"

Bumagsak ang tingin ko sa aking milktea habang napapaisip. Hinalo-halo ko iyon gamit ang makapal na straw bago sinagot ang kanyang tanong.

"Advantage para ro'n sa taong may depresyon, pero paano naman 'yong nagmimistulang therapist? It would be draining."

Napatango-tanong naman si Angelli sa ideya ko.

"Sabagay, may point..." Maging siya ay napaisip. Sandali kaming natahimik, pero hindi kalaunan ay muli rin siyang nagsalita. "So, kung nagkataong may therapist or any kind of psychologist ang manligaw sayo, hindi mo tatanggapin?"

The Psychiatrist's Insanity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon