"GOOD morning, block A of BS Psychology! Welcome to your first day as freshmen! I am Mrs. Tina Rivera, a registered psychologist and I will be your instructor for Developmental Psychology I." Masigasig na bati ng propesor namin. Pinigilan ko ang mapahikab. Pati pagdilat ay hirap na hirap ako, pakiramdam ko ay kahit anong oras babagsak na ang mga talukap ko sa antok. "Since our class serves as your first period, it would be a shame if I don't allow you to introduce yourselves and get to know your blockmates. However, I would be discussing first the rules and regulations of my class, from there, we'll proceed to the introduction."
Dahil sa kanyang sinabi ay nagising ang aking diwa. Ugh. Introduction. My social anxiety is screaming.
Kumuha ako ng ballpen at papel sa bag. Sinimulan kong isulat ang sasabihin para sauluhin 'yon. Ayokong nagkakamali. I'll end up overthinking my mistake.
"For everyone's awareness, our university has a written rule regarding tardiness. If a student is 15 minutes late, they are considered absent. Same goes to the instructor, if they happened to be 15 minutes late, their students can freely exit the class. The students won't be deemed absent, the professor will be."
She proceeded sharing more university rules. Nakahalumbaba lang ako habang nakikinig. Minsan ay napapatulala ako sa bintana, tabi ko lang kasi 'yon at talagang nakakaakit tumitig sa langit at hindi na makinig. Sabog na sabog pa rin talaga ako.
It was 7AM when he drove me home. Our last conversation is how I thanked him to the core. Pero ang nakakainis? I didn't even get to ask his name. Nakalimutan ko.
Oo nanghihinayang ako. But on the second thought, what's the use of knowing his name anyway? Hindi naman na kami magkakatagpo.
"Speaking of tardiness," wika ni ma'am nang may estudyanteng pumasok sa klase.
Napalingon kami lahat sa direksyon ng pinto. Isang lalakeng naka-white shirt at checkered long sleeves polo ang pumasok sa pinto. Buhat nito ang kanyang itim na bag sa isang balikat.
"Sorry I'm late, miss." Napapakamot sa kilay nitong pahayag.
Napabungisngis naman ang iba kong kaklase. Habang ako ay napatitig lang sa lalake, pamilyar siya sa akin.
"Since this is the first day, I'll let this pass. Come in." Ani ng prof. Mukha naman itong hindi galit. She looks very understanding actually. Lahat naman ng kilala ko sa industriya ng sikolohiya ay marunong umintindi.
Pumasok na ang lalake. At dahil sa tabi ko lang pala ang may bakanteng pwesto, ay wala siyang pagpipilian kundi doon maupo.
Nilapag niya ang bag sa sahig saka komportableng naupo. Ngayong malapitan ko na siyang nakita ay saka ko lang napagtanto kung bakit siya pamilyar sa akin. Saka lang nagrehistro sa utak ko kung saan ko siya nakita noon! Siya lang naman iyong lalakeng muntik nang makabangga sa akin ng bike sa Burnham park.
Nang marahil ay napansin niya ang paninitig ko ay napalingon siya sa akin. Kaagad ko namang siyang nginitian. Nangunot ang kanyang noo.
He fixed his glasses, as if to check if what he's seeing is right. Hindi nagtagal ay bumaha ang realisasyon sa kanyang mukha.
"Uy! Ikaw 'yong muntik ko nang mabundol, 'di ba?"
Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya. Sa huli ay tumango na lang ako. "Ako nga. Kamusta ang katawan mo? Wala namang sumakit sa'yo?"
"Kapag sinabi ko bang meron papanindigan mo?"
"Hindi," diretsong pahayag ko, ni hindi ko man lang pinag-isipan. Natawa siya.
"Ang liit naman ng mundo. Isipin mong magka-block pala tayo." Napapailing niyang pahayag.
"Oo nga eh, ang malas ko talaga sa buhay."
BINABASA MO ANG
The Psychiatrist's Insanity
Aktuelle LiteraturWarning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of sexual abuse, depression, & suicide