𝐄𝐚𝐬𝐲 𝐎𝐧 𝐌𝐞
ᴀᴅᴇʟᴇ
0:46 ━❍──────── 3:44
↻ ⊲⊲ Ⅱ ⊳⊳ ↺- / -
SIGURO ay tuluyan na nga akong nabaliw. Sumama ako sa taong hindi ko kakilala. Hinayaan ko siyang dalhin ako sa kung saan gamit ang kanyang kotse. I didn't even hesitate coming with him.
Masyado pa rin akong nanghihina, wala pa rin ako sa wisyo, kaya siguro ganoon na lang kadali sa akin ang magpatangay sa dalos ng pangyayari.
I am not usually this gullible. But I am in my most vulnerable state right now. I've already experienced the worst. What else could happen?
Tahimik lang akong nakatanaw sa bintana. Sarado na ang lahat ng establisiemento. Tanging post lights na lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Napansin kong pabalik na kami ng town, ng syodad ng Baguio. Kung gano'n ay hindi nga ako nagkakakamali kanina, papuntang Benguet ang sinakyan kong jeep.
Napaayos ako ng upo nang mapagtantong hindi niya nga pala alam kung saan ako ibababa.
"Uhm, sa Bonifacio street mo na lang ako ibaba. Andun ang dorm ko." Putol ko sa katahimikang bumabalot sa amin.
"It's 2 in the morning. Wala ba kayong curfew?" Tanong niya.
Natigilan naman ako ro'n.
Shit. Oo nga, 12am ang curfew namin.
Bigla tuloy akong namroblema. May spare key man ako ng dorm, pero wala naman akong susi sa main entrance ng building. Naka-kandado rin iyon.
Napasulyap sa akin ang lalake nang hindi ako sumagot. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Meron," mahina kong sagot.
Hindi na siya nagsalita.
Habang ako naman ay lihim nang nangangamba. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan. Papapasukin pa kaya ako?
Mas lalo akong namroblema nang makitang papalapit na kami sa dorm ko. At 'di nga ako nagkakamali, sarado na ang building. Mula rito sa sasakyan ay kapansin-pansin na iyon. I anxiously bit my nails.
Hinintay ko na lang bumagal ang pagmamaneho ng lalake at itigil ang sasakyan. Pero sa pagtataka ko, hindi niya tinigil ang sasakyan. Tuloy-tuloy lang siya sa pagmamaneho. Bigla akong napaayos ng upo.
"S-Sandali, dito na lang." Alarma kong pahayag. Nalampasan na namin ang dorm!
Tumingin ako sa kanya, diretso lang naman ang tingin niya sa daan.
"You can stay at my place." Aniya.
Nanlaki ang mata ko. His place?
"Kahit sakali namang wala kang curfew, I still won't drop you anyway. I can't leave you out like this."
Napakurap ako. Hanggang sa natauhan ako sa kanyang sinabi.
Napaiwas ako ng tingin. Sa huli ay binaling ka na lamang muli ang mata sa bintana.
"Please don't feel obligated. Hindi naman tayo magka-ano-ano." Wika ko.
"I don't mean it that way."
Hindi na ako nagsalita.
Guilt started consuming me. I have no idea who this man is, yet I managed to made him feel responsible for my own problems in life. Panigurado ay hindi niya lang ako maiwan dahil magi-guilty siyang mang-iwan ng taong gustong magpakamatay. He would feel responsible for my death, if ever I continue my suicide intentions.
BINABASA MO ANG
The Psychiatrist's Insanity
Fiksi UmumWarning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of sexual abuse, depression, & suicide