FRIDAY night. 9:05 PM.
Kung may araw akong pinakapaborito, marahil ay biyernes ang pipiliin ko, partikular tuwing biyernes ng gabi.
There's this certain feeling only Friday night could make me feel. Siguro kasi ito ang oras kung saan maaari ka na muling magpahinga pagkatapos ang isang buong linggo ng pag-aaral. Ang araw kung kailan hindi mo na kailangang problemahin ang susunod na bukas.
Kasalukuyan akong nakikinig sa musika ngayon. May earphones na nakasuksok sa aking tenga habang tamang scroll lang sa social media. Nakahilata lang ako sa kama, madilim pero buti na lang pumapasok sa bintana ang liwanag na dala ng buwan.
Kung may kasama lang ako ngayon sa kwarto ay panigurado kailangang bukas ang ilaw, pero dahil wala pa silang lahat, malaya kong napatay ang ilaw.
Alas nuwebe na ng gabi, panigurado ay dumalo sila sa acquaintance party for freshmen. Kanina pa nagsimula 'yon. Alam ko dahil dinig na dinig mula rito ang ingay ng musika mula sa campus. Kaya nga napagpasyahan kong mag-earphones na lang.
Napatingin ako sa bintana nang iba't-ibang kulay ng ilaw ang magreflect doon. Mula iyon sa campus. Mukhang nagdidisco na sila roon, ah.
Bumangon ako at sumilip sa bintana para alamin ang kaganapan sa labas. Hindi tanaw dito ang loob ng campus, pero tanaw naman ang entrance.
Kitang-kita ang ilang estudyanteng pumapasok sa entrance, meron din namang nakatambay lang, siguro ay inaantay ang kani-kanilang kaibigan.
Napahalumbaba ako. I haven't tried going to a party before. Aside from the fact that I hate going to parties, hindi rin naman kasi ako naiinvite.
Nag-vibrate ang hawak kong phone. Napatingin ako ro'n. I received a message from Steven via Messenger.
Halika na, Fayven! Ang saya dito promise! Mag-eenjoy ka!
Pang-ilang message niya na 'to. Hindi ko na nga pinapansin. Ayaw ko talagang pumunta, but looking at these students right now, medyo nate-tempt na akong pumunta.
Ngayon ay kinokonsidera ko nang pumunta, pero may parte pa rin sa aking pumipigil.
You're heavily introverted Fayven, being in a crowd drains your social battery, remember? Ani ng isang parte ng utak ko.
But you're in Baguio now, Fayven. Learn to get out of your comfort zone sometimes. The other side argued.
Naging isang linya ang labi ko. Right, I need to learn how to leave my shell. There's a world out there waiting for me. Hindi ang mundo ang papasok sa shell at comfort zone ko, ako ang dapat lumabas.
Napahinga ako nang malalim. Bumalik ang tingin ko sa cellphone ko para magtype.
Abangan mo na lang ako sa main gate.
"FAYVEN! I'm so glad you attended!" Sinalubong ako ni Steven ng yakap. Medyo nabigla pa ako sa biglaang pagsulpot niya, hindi ko siya kaagad namataan sa dami ng tao. "Hindi ko inakalang dadating ka! Buti naman at nakapag-isip-isip ka!" Aniya habang malaki ang pagkakangiti.
"Nacurious ako, eh. Sisilip lang naman ako." Sagot ko.
Natawa siya. "Anong sisilip? Hindi pwede! Makihalubilo ka! Tara sa table namin!"
Hindi pa man ako nakakasagot nang hilahin niya na ako. Hindi na ako umangal. Ayoko rin namang mag-stay dito ng mag-isa.
Para kaming nakikipag-patentero ni Steven sa sa dami ng tao. Buti na nga lang at kahit gaano karami ang tao ay hindi gano'n siksikan, malawak naman kasi ang quadrangle ng school kung saan ginaganap ngayon ang kasiyahan.
BINABASA MO ANG
The Psychiatrist's Insanity
General FictionWarning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of sexual abuse, depression, & suicide