Kabanata V

45.6K 1K 378
                                    

𝐑𝐞𝐩𝐞𝐚𝐭 𝐔𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐃𝐞𝐚𝐭𝐡
ɴᴏᴠᴏ ᴀᴍᴏʀ
0:58 ━━❍─────── 3:54
↻ ⊲⊲ Ⅱ ⊳⊳ ↺

- / -

I TOOK the bus again.

Yes, bus pabalik ng Baguio. It's already 9 in the evening, at panigurado, madaling araw na ako makakadating sa syodad. But I didn't care. Ang gusto ko lang ay makalayo sa lahat. Ang makatakas sa lahat.

Tulala lang ako habang nakatanaw sa bintana. I probably look pathetic, good thing there's not much people in the bus. There'll be not much people that would judge me again.

It's just non-stop, isn't it? All the judgments, all the suffering, all the pain. It happens so often that I already mastered how to hide the pain well. Akala ko nga kapag tinago ko ang nararamdaman ko, kusa lang din iyong mawawala. Pero hindi pala, maiipon lang ang mga 'yon. Maiipon nang maiipon hanggang sa tuluyang mag-umapaw at sumabog.

Ang malala, ikaw na nga ang sumabog, ikaw pa ang lalabas na masama. They won't notice your sadness until it turns into anger. They'll question your rage without even questioning their attitude that provoked your reaction. They'll despise us for turning out like this—a person full of hatred—they didn't know this is the monster they created.

Nakakatawa. They ruined me and expect me to stay the same? Sila ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Pero bakit kasalanan ko pa rin ang lahat?

The window reflected my tear-stained face. My heart clenched upon seeing my face void of any emotions, void of any hope.

Do I really deserve any of this? Do I really deserve to suffer this much? Hindi pa ba sapat ang mapapait na naranasan ko para muli na naman 'yong madagdagan?

Parang kanina lang, handa na akong umabante patungo sa paghilom; parang kanina lang, handa na akong kalimutan ang lahat. But how do one heals when sadness already becomes anger?

Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang may isang kamay ang lumitaw sa harapan ko, may hawak iyong isang bote ng tubig.

My eyes gazed to the owner of that hand. Bumungad sa akin ang isang ale na nagtitinda ng mga mani. May maliit itong ngiti sa labi habang inaabutan ako ng malamig na bote ng tubig.

Nalilito man ay inabot ko ang bote ng tubig.

"Alam mo ba iyong isang alamat tungkol sa mga sirena?"

Napakunot ang noo ko sa tinanong niya. Tumingin siya sa bintanang nasa likod ko kaya napatingin din ako ro'n. Dinadaanan na pala namin ang isang matarik na bangin, sa baba no'n ay natatanaw ang malawak na karagatan.

"Sabi nila, ang mga sirena ay dating tao sa kanilang past-life kung saan sila ay biktima ng rape. Ginawa silang sirena sa kanilang susunod na buhay para hindi na muling mapaghiwalay ang kanilang mga hita nang labag sa kanilang kalooban."

Hindi ako nakapagsalita. Ano nga ba ang dapat ireak sa mga taong bigla na lang lalapit para magsabi ng ganitong mga talinhaga?

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Napakurap ako nang tumingin din ito sa akin bago magaang ngumiti.

"Hindi na ako makapaghintay maging sirena sa susunod kong buhay." aniya.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na ito at naglakad patungo sa labasan ng bus. Pinahinto niya ang bus upang makababa siya.

Napakurap ako. Wala na siya sa paningin ko pero nanatili pa rin ang mga mata ko sa pinaglabasan niya.

Hindi na ako makapaghintay maging sirena sa susunod kong buhay.

The Psychiatrist's Insanity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon