Gustuhin man nating araw-araw maging masaya, parte pa rin talaga ng buhay ang pagkakaroon ng problema...
Ito na nga si Edna, alumpihit papasok ng bahay nila, ang problema nyang nais maresolba ay tila lumala pa, ngayong nakabalik na sila ni Moises mula sa dalawang araw nilang pagmumuni muni sa probinsya ng Nanay nya.
Panung di sya kakabahan eh! ni wala nga silang nabuo na plano ni Moises, nawili sila kakagala sa bukid, sa batis, sa pangunguha ng mga prutas, sya ang tagaabang at tagasalo sa baba habang si Moises naman ang umaakyat sa mga puno na hitik ng bunga. Napakasaya ng bakasyon nila, nakalimutan nyang mga problema at suliranin nya sa Pamilya't pag ibig.
Bawat taong makadaupang palad nila, kilala man nya o hindi, binabati silang dalawa na parang mga bagong mag asawa. Asikasong asikaso sila ng mga kamag anakan ng kanyang Ina. Nakilala nyang Angkan nito at katulad ng Nanay nya, mababait silang lahat. Hindi sila hinusgahan ni Moises bagkus inunawa sila at pinayuhan ng mga ito.
Maraming natutunan at higit na naunawaan ni Edna ang lahat. Kung saan nagmumula ang galit ng kanyang Tatay, ang pagtutol ng kanyang mga kapatid, ang pang unawa't pag depensa ng kanyang Nanay sa kanya. Isa lang naman ang kahulugan ng lahat lahat.. Yun ay dahil mahal na mahal sya ng kanyang Pamilya, yun nga lang sa iba't ibang level o paraan ng mga ito.
Pero magkaganun man, isipin man nyang para sa kabutihan nyang ginagawa ng mga ito, nangingibabaw pa rin sa kanya ang malabis na pagmamahal kay Moises. At nakapag pasya na sya, hinding hindi nya isusuko ang kanyang pagmamahal sa Binata.. Lalaban sya, kasama nito para sa kaligayahang nararapat para sa kanilang dalawa.
Napahinto si Edna pagkapasok ng gate ng mamataan ang nakababatang kapatid na pasalubong sa kanya, ngiting ngiti ito na tila ba tuwang tuwa ng makita sya nito.
"'Te! Nakauwi kana? Anu musta namang bakasyon nyu ng labidabs mo?"
"Sshh.. wag kang maingay!"
Kaagad nyang tinakpan ang bibig ni Nene at palingon lingon sa paligid, kinakabahan sya na baka may nakarinig sa sinabi nito. Ng masigurong walang katao tao sa paligid, tinanggal nyang kamay sa bibig nito.
"Diko na dadagdagan pa yang takot at kabang nararamdaman mo, basta ang masasabi ko lang sayo ngayon ay magpakatatag ka't wag isuko ang laban!" Tinapik pa nitong kanyang balikat. "Kaya mo yan! may tiwala ako sayo!"
Kumindat pa sa kanya ang kapatid bago ito naglakad palabas ng gate nila.
'Gabi na ah! Sa'n na naman kaya pupunta ang isang yun?'
Susundan pa sana nya ito ng makarinig ng boses lalaki sa labas ng bakod nila.
"Ne, sandali! Kausapin mo naman ako oh!"
"Tigilan mo nga ako Victor!"
'Victor? Sino yun?'
Dali dali syang sumilip sa siwang ng di masyadong nakasara na gate. Napataas ang kanyang kilay ng makita ang tatlong binatilyo na nakaharang sa daraanan ng kanyang kapatid.
"Hoy! Kayong dalawa! Iuwi nyu na'tong pakialamerong 'to ha! At sa susunod na pagtripan nyu ulit ang kaibigan kong si Jojo, pagbubuhulin ko na kayong tatlo!"
"Ayan tayo eh! Kami na naman sinisisi mo sa kahambugan nung kaibigan mo..Maling mali yun, diba Kuya?"
"Tama ka dun Nilo! Tayo pa ngang dehado sa mokong na yun eh!"
Natawa sya ng hilahin ni Nene ang buhok nung Nilo, saka sininghalan ang isapang binatilyo na Kuya ang tawag ng mga kasamahan nito, maagap itong umilag sa sipa ng kanyang kapatid.
"Gusto mong sabihan ko si Apple na basteden ka ha! Sabagay dika naman bagay sa kaibigan ko."
"Wala namang ganyanan Ne! Hayaan mo naman akong magka lablyf, maging syota ang pangarap kong babae kagaya ni Victor na naging syota ka!"

YOU ARE READING
God Gave Me You✔💯
RomanceSi Moises ay isang masayahing tao Mapagbigay pero maloko Sa mga kaibigan tapat sya at totoo Pagdating sa kalokohan numero uno ito.. Sa edad nyang bente banat na banat na sya sa trabaho Palabarkada man sya at basagulero May dignidad naman at may prin...