Heaven!

182 16 2
                                    

Heto na naman ako ngayon, mula sa malayong distansya sa kinaroroonan ng magandang dilag na aking hinahangaan ng sobra sobra. Dinadaga na naman ang dibdib ko, mabilis ang pagtibok ng aking puso habang nakatingin sa kanyang mga ngiti.. Abala na naman sya sa mga mamimili ng di kalakihang tindahan ng Intsik na kanyang pinapasukang trabaho.

Hingang malalim sabay tapik sa dibdib, napabuga ng hangin saka humakbang ako patawid sa kabilang kalsada. Ang aking destinasyon ay ang tindahan kung saan abala pa rin ang magandang dalaga sa mga mamimiling nakapila.

'Bahala ng masungitan ni magandang dilag, basta gusto ko syang makita ng malapitan, mamasdan ang maamo nyang mukha, masamyo ang humahalimuyak nyang bango, mahawakan ang malambot nyang kamay.. Huuu.. excited nako!'

Matyagang tumayo ako sa pinakagilid ng tindahan, hindi ako sumiksik sa pila, matyaga akong naghintay, hanggang sa lumuwag at tatlo na lang ang nakapilang mamimili.

Isa..

Dalawa...

Tatlo...

'Hohoho! Sa wakas naubos rin ang mga asungot na nakapagitan samin ng mahal ko.. Huhmm..'

Ilang hakbang ko lang at kaface to face ko ng magandang dilag na nakangiti pa sakin.

'Heaven! Nasa heaven naba ako? Ke gandang Anghel naman talaga nitong kaharap ko.. haayy..'

"Excuse me! Bibili kaba o tutunganga kana lang dyan?"

Narinig kong naiinis na boses nito, pero hindi ako makapagsalita, ewan ko ba kung anong klaseng mahika ang taglay nitong kaharap ko at tila na frozen ng buong katawan ko.

'Putragis! Anuba self? Focus! Baka ma high blood na naman si magandang dilag, ma ban tayo dito huhu.. Yokong danasin ang kalungkutan kapag diko sya nasilayan ng malapitaann.. Kaya utang na loob self.. umayos kana plis!'

"Hoy! Mister! Time is gold, kaya wag mong sayangin ang pagkakataon mo?"

Napakurap kurap at napa lunok ng laway saka pa lang ako nakapag salita.

"A- Ahm.. Hi, Ganda, pabili nga ng yosi isang kaha na, saka samahan mo na rin ng lighter.."

"Anong brand ng sigarilyo mo?" Tanong nito habang inaabot ang stock ng mga sigarilyo.

"Hope, kasi hopeng akong mapansin moko" pahapyaw kong banat.

Kunot noong napabaling sya ng tingin sakin. "Ha! Anu yung sinabi mo?"

"Sabi ko, maganda ka sana, kaso may pagkabingi ka rin pala.. Hehe.. " Sumimangot ang dalaga sakin, kaya biglang napabwelta ako ng.. "Joke!" Napangisi sabay kamot ng tengang pahabol ko pa.

"Pa joke joke kapa dyan, feeling close lang ganun? Oh ayan 98 pesos lahat."

Nakasimangot nyang nilapag sa harapan kong lahat ng binili ko, sayang diko man lang nahawakan ang kanyang kamay. Inabot kong 100 pesos sa kanya, mabilis nyang hinila yun saking kamay.

"Salamat, keep the change na lang yan ganda, at sana ako rin, ikeep mo na.."

Hirit pahaging ko ulit sa kanya.. Malay natin baka sakaling mabigyan nya rin ako ng pansin, kahit na pahaging haging lang ang diskarte ko sa kanya.

"Tindahan ito hindi club! kaya wag mokong bigyan ng tip.. Umalis kana nga sinisira mong araw ko eh."

'Suplada talaga! Kuu.. Pasalamat ka, mahal kita!' Nakangiti kong inabot ang aking sukli. Mabilisan ang aking pagkilos para mahawakan kong kanyang kamay. At ng magdikit ang aming mga palad, kakaibang saya na naman ang aking naramdaman. 'Hayy... nasa heaven na naman ako.'

God Gave Me You✔💯Where stories live. Discover now