Paraparaan si Moises, kelangan makaisip sya ng mas epektibong diskarte para makalapit ulit kay Edna. Dina kasi sya masaya sa pagsulyap sulyap lang dito mula sa poste ng meralco na pinagkukublihan nya araw araw. Kahit na ipagtabuyan man sya ngayon ni Edna, ipipilit nyang sarili para mapalapit ulit dito. Kaya heto sya ngayon sa tindahan. Bibili ng tabla na dos por dos at ang gusto nyang mag asikaso sa kanya.. Syempre walang iba kundi si Edna.
"Cel, nasa hardware ba si Edna?" Kandahabang leeg ni Moises kakasilip sa loob ng tindahan.
"Bakit? Anu namang kalokohan yang naisipan mong gawin ha?"
"Kalokohan agad? May bibilhin akong gamit sa hardware nyu!" Iniwas nyang tingin para di makita ni Cecile ang excitement sa kanyang mukha.
"Ganun! Eh, bakit hinahanap mo si Didi? Marami namang tindira dun ah! Bakit ang Amiga ko pang hinahanap mo?" Nagdududang pinakatitigan ni Cecile si Moises na panay ang himas sa buhok nitong basa pa.. 'Bah! Bagong ligo ah! at bagong ahit pa! Lakas tama talaga nito kay Didi, sure na sure na'ko dun.'
"Anuna, Cel! Tutulungan mo ba'ko o hindi?"
"Tutulungan saan naman? Sa bibilhin mo?" Napahagikgik ang dalaga ng makita ang pagsimangot ni Moises.
"Lam mo na yun eh! Mang aasar kapa! Dali na kasi, san na ba si Edna?"
Biglang kinabahan at nanlaki ang mga mata ni Moises ng makita't maunawaan ang nanunuksong pagngiti ni Cecile, Na lagpasan ang tingin sa kanyang likuran.
"Bakit mo'ko hinahanap? Anong kelangan mo sakin?" Mataray na tanong ni Edna sa tila nanigas ng binata sa kanyang harapan. Napangiti pa sya sa bahagyang paghimas nito sa medyo basa pang buhok bago dahan dahang humarap sa kanya.
"Ahm.. Bibili kasi ako ng tabla yung dos por dos ba.." Kamot sa batok saka himas sa basang buhok, nate tense na naman sya kapag ganitong ilang hibla lang ang pagitan nila ni Edna.
"Dapat dun kana sa kabilang tindahan dumeretso, sa hardware dina dito."
Natameme bigla si Moises, napaisip sya kung anong dapat nyang isagot sa nakataas kilay ng si Edna, buti na lang to the rescue itong si Cecile sa kanya.
"Bumili pa kasi sya ng sigarilyo dito Amiga. Papunta na nga yan sa kabila eh!"
Lihim nyang kinindatan si Cecile ng sumulyap ito sa kanya, sa ganung paraan lang nya mapapasalamatan ang syota ng kumpare nyang si Nelson.
"Ganun?" Nagdududang palipat lipat ang tingin ni Edna sa dalawang nagkatinginan na tila ba nagkaka intindihan na sa ganung paraan. "Eh! Bakit narinig kong binanggit nyang pangalan ko? Anu naman yun?"
"Ah.. yun ba?. Kasi, di ako pedeng mag assist sa kanya ngayon, kaya sabi ko ikaw na lang hanapin nya dun sa hardware at nandun kana.."
Ramdam ni Edna na may nililihim sa kanya ang kanyang kaibigan at itong si Moises.. At involve sya dun.. 'Pwes! Kung nagse secret ng hitad na ito sakin, pasasaan ba't malalaman ko rin ang agenda ng dalawang ito.' Pairap pa syang tumalikod at naglakad ng pabalik sa kabilang tindahan.
"Hoy! Moises, sundan mo na yun oh! Bilisan mo na't baka samain kapa sa kanya kapag puro ka tunganga dyan!"
Napalingon tuloy si Edna ng marinig ang sinabi ni Cecile kay Moises. Nandun pa rin ito sa kinatatayuan, nakapamulsa sa kupasin nitong pantalon habang nakatingin sa kanya. Napailing iling na lang sya ng makitang bahagyang pagtulak ni Cecile sa binatang parang nagulat pa sa ginawa ng kanyang kaibigan.
"Anupang tinutunganga mo dyan? Time is gold! Kaya galaw galaw kana dyan Mr. Torpe!" Matapos nyang sabihin yun, mabilis na syang naglakad pa hardware..
Samantalang nagkatinginan na naman yung dalawang naiwan.

YOU ARE READING
God Gave Me You✔💯
RomanceSi Moises ay isang masayahing tao Mapagbigay pero maloko Sa mga kaibigan tapat sya at totoo Pagdating sa kalokohan numero uno ito.. Sa edad nyang bente banat na banat na sya sa trabaho Palabarkada man sya at basagulero May dignidad naman at may prin...