PAK
"Aray!"
Napatalon mula sa pagkakaupo sa terasa si Nene ng lumapat sa braso nyang patpat na kawayan. Namumulang mukha habang haplos ang latay na natamo nito, ng sininghalan si Edna, na mas galit pang mukha kesa sa kanya.
"Anubang problema mo?"
"Bakit kayo nagbubulungan ni Onyok? pinagchi chismisan nyo ako ano, ha?"
Nagkatinginan naman ang dalawang pinaghihinalaan ni Edna, parehong nakakunot ang nuo, maya maya sabay pang nagkatawanan na lalong ikinainit ng ulo nya. Pareho nitong sinugod ang dalawa, saka walang pakundangang pinagpapalo ng patpat ang mga ito.
"Aray.. aray! Pucha! Hoy! Onyok, awatin mo yang asawa mo! baka diko yan matantya masapak ko pa 'yan!"
"Abay! wag naman Ne, baka di lang maganda ang gising, kaya tayong pinagbubuntunan ng galit."
"Ah.. Ganun! Kita mo ba itong latay sa braso ko ha! Para lang akong na hazing ulit sa hitsura ko ngayon ah!"
"Unawain mo na lang si Didi, mapapagod din yan!.."
Sa pagkalingat ni Moises ng sulyapan si Nene, isang malakas na hataw sa kanyang likod ang tumama na nagpayuko sa kanya.
".. Aray! Huuhh.. sakiitt!"
"Kala nyu, makakatakas kayo sakin ha? Bakit nyu ako pinagtatawanan ha?"
Matapos kay Moises, ang kapatid naman ang kanyang hinarap.
"Shit!" Panay ang ilag ni Nene sa hampas ng pamalo ni Edna, ng hindi na nya matagalan, kumaripas na sya ng takbo palabas ng gate nila, hingal aso sya ng mapatapat sa isang puno, dipa ito nagtatagal dun, ng matanaw nyang papalabas naman ng gate ang bayaw na panay ang saway sa asawa nitong dipa rin humuhupa ang galit.
'Di kaya buntis ang bruhaha na ito? Hmm.. malamang buntis nga ito!'
Habang pinapanood ang dalawang naghahabulan sa gilid ng daan, napapailing na lang sya, nakakaawa ang bayaw nya kung tutuusin, dahil kapag may topak ang Ate nya, dina ito nakakapag isip ng tama, kung nakakasakit na ba ito o hindi sa kanyang kapwa. Lalo na kay Moises na ng makita kasi nitong hinihingal na si Edna, kusa itong huminto sa pagtakbo, saka may pag aalalang nilapitan ang asawa nito.
"Misis ko! ayos ka lang ba?"
Isapang hampas ng pamalo na tumama sa dibdib ni Moises, bago inis na sumagot si Edna dito.
"Hmp! Tado ka! Pinagod mo ako! Hahh.. hahh.."
"Sorry na! Hayaan mo sa susunod dina ako tatakbo kapag nais mo akong saktan."
Imbis na ang namumulang mga latay sa katawan nito ang intindihin, mas inasikaso pa ni Moises ang asawa na napapahinga ng malalalim, hinubad pa nyang suot na T-shirt saka ginamit na pamunas sa pawis ni Edna.
"I love you Misis ko! Sige na, bati na tayo!"
"Nakakainis ka!"
Akmang hahampasin na naman sana ito ni Edna, natigilan sya ng makita ang pamumula ng balat ni Moises, yung ibang latay nito ay nag kukulay ube na. Bigla syang nahabag ng pati sa pisngi nito ay may latay ng pamalo nyang patpat.
"Uyyy.. Ngingiti na yan! Bati na kami nyan!"
"Heh! Ibili moko ng spaghetti! Bilisan mo at nagugutom na ako!"
Nais nyang maiyak sa kanyang nagawa, awang awa sya sa mabait na asawa, ewan ba nya kung bakit ang bilis magbago ng mood nya ngayon, hindi naman sya ganito dati. Saka kung iisipin, wala namang dahilan para magalit sya, pero ng makita nyang pag uusap ni Nene at Onyok, pakiramdam nya sya ang pinag uusapan nung dalawa. Na feeling nya pinagkakaisahan sya ng mga ito. Masyadong close yung dalawa na nagpapainit ng kanyang ulo.
YOU ARE READING
God Gave Me You✔💯
RomanceSi Moises ay isang masayahing tao Mapagbigay pero maloko Sa mga kaibigan tapat sya at totoo Pagdating sa kalokohan numero uno ito.. Sa edad nyang bente banat na banat na sya sa trabaho Palabarkada man sya at basagulero May dignidad naman at may prin...