33

49 3 10
                                    

1:02pm

Shin: May sakit ka?

Shin: Kingina delete

Shin unsent a message.

Shin: Nakuha ko na 'yung ID

Seen 1:03pm

Shin: salamat

Knight: Mas nagulat pa ako na nagpasalamat ka kesa sa pag-aalala mo sa 'kin

Shin: Pag-aalala?

Knight: Oo, tinanggal mo pa. Nakita ko naman sa floating chatheads

Seen 1:10pm

Knight: Okay lang poezxcs mag-alala, ssob. Huwag ka na mahiya

Seen 1:12pm

Knight: Thank you kasi nag-aalala ka

Shin: Hindi ako sa iyo nag-aalala kingina. Desisyon ka ba sa damdamin ko?

Knight: Asus, ayaw pa aminin

Shin: Titigil o ibablock?

Knight: Sige iblock mo 'ko. Dadalhin mo sa konsensya mo na nagkasakit ako dahil sa iyo. Magugulat ka na lang hindi na ako magchachat sa iyo kasi patay na ako. Buong buhay kang makokonsensiya

Shin: Hindi magandang biro

Knight: Ikaw ang maganda

Shin: Isa pa talaga, block ka na

Knight: Ikaw pa ang mambablock, ako nga 'tong nagtatampo sa 'yo

Shin: sino

Knight: Ako nga, nagtatampo

Shin: nagtanong

Knight: 🙄

Knight: Hindi ka man lang nag-thank you sa 'kin. Nag-absent ako sa trabaho para lang mabigay sa iyo 'yung ID. Tapos nagkasakit pa ako. Hindi ka ba naaawa?

Shin: Ba't ako magpapasalamat? Ikaw naman ang may kasalanan ng lahat. Quits na tayo. Ikaw may sakit, ako bagsak ngayong sem. Okay na?

Knight: Wala ka talagang puso 😦

Knight: Wala rin pala akong puso, ninakaw mo e hehe

Knight: Bagay na bagay talaga tayong dalawa, wala na tayong puso pareho 🥰

Shin: Dati ka bang mais? Ang korni mo, e

Knight: Totoo naman! Bagay talaga tayo! Tingnan mo nga pangalan natin, Shin at Knight. Knight in Shin-ing armor. O diba!

Shin: It's so pointless to talk to you. Goodbye

Knight: Waw, spokening dollars ka na. Pero teka! Pinapasaya lang naman kita

Shin: Masaya ako, tumigil ka na

Knight: Weh? Nakikita ko mga post mo sa Facebook. Mag-isa ka lang pala? Pareho tayo.

Seen 1:31pm

Knight: Kaya nga kinukulit kita lagi, e. Feeling ko kasi malungkot ka. Kaya gusto kitang pasayahin

Shin: Hindi lahat ng mag-isa, malungkot. At hindi ko kailangan ng awa mo.

Knight: Hala

This person is unavailable on Messenger.

GOOD NIGHT, GOOD KNIGHT [Epistolary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon