7:23am
Jay Miranda: Busy ka ba, Shin?
Shin: Bakit?
Jay: Pwede ba tayo magkita?
Shin: Ayoko.
Seen 7:38am
Shin: Wala tayo sa campus kaya wala akong responsibilidad na sundin ang mga utos mo.
Jay: Nakakalimutan mo na ba 'yung tungkol sa grade mo?
Shin: Ibablackmail mo 'ko?
Jay: Hindi! silly xD
Shin: Bakit nga? Ano bang pag-uusapan natin? Bakit kailangan pang magkita?
Jay: May ibibigay ako sa 'yo.
Shin: Ano?
Jay: Basta. Pumunta ka na lang sa THE EVE cafe.
Shin: Ayoko.
Jay: ☹️
Shin: Ang kulit kasi, di na sabihin kung tungkol saan.
Jay: Ibibigay ko 'tong bayad ko sa nanay mo sa pina-deliver kong ube halaya.
Shin: Ayon naman pala. Pwede namang sabihin agad, e. Pinahaba pa ang usapan. Sige, sir, wait mo lang ako jan.
Jay: Okay, nandito na ako sa cafe. Pero take your time.
Shin: 👍
BINABASA MO ANG
GOOD NIGHT, GOOD KNIGHT [Epistolary]
RomanceDarkness seems dangerous. The night seems frightening. But whatever danger it may bring, my Knight would always guard me-especially my heart.