82

17 2 0
                                    

8:19am

Knight: Kita ko, hinatid ka ni Jay diyan sa inyo, ssob????

Shin: Ano naman?

Knight: Professor o instructor mo si Jay alam ko, pero maloko diyan yang lalaking yan. Baka nagtitiwala ka agad masiyado.

Shin: Inihatid niya lang ako.

Knight: Aports ko yan si jay kaya alam ko galawan ng lalaking yan

Shin: Judgmental ka naman masiyado. Kung papipiliin nga ako sa inyong dalawa, siya ang mas pagkakatiwalaan ko.

Knight: luh grabe si ssob

Shin: 💁

Knight: Binabalaan lang kita. Ayokong mapahamak ka.

Shin: Wow. Pumapapel yan? Sino ka ba sa buhay ko para manghimasok?

Knight: Boy bestfriend mo 'ko! Nakalimutan mo na ba? At ito ang mga rules na kailangan mong sundin:

1. baby ang cs🥺🥺💘
2. bebe time pag tulog na si gf/bf😍
3. laging suyuin 😂😂🤗
4. gawing priority kesa kay gf/bf😘
5. unahin lagi ako🙉💋💋
6. wag sweet kay gf/bf kasi magseselos ako🥺🥺🙂
7. bawal magshort👊👊

dagdagan ko na lang pag may naisip pa 'ko

Shin: Alam mo... wala ka talagang kwenta kausap.

Knight: Pero aminin mo, namiss mo ung pangungulit ko.

Seen 8:35am

Knight: Silence means yes 😁

Shin: 👍

Knight: Luh 😱 Um-agree ka!

Shin: 👍

Knight: Oh di talaga siya tumanggi. Miss mo talaga ako?

Shin: 👍

Knight: luh iba na yan, ssob

Shin: Ay sorry nagtype mag-isa 'tong phone ko. May hinanap lang ako saglit

Knight: Anong hinanap mo?

Shin: 'Yung pake ko 💁

GOOD NIGHT, GOOD KNIGHT [Epistolary]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon