1:02pm
Knight: ssob, baka pwede mo 'ko tulungan huhu
Seen 1:04pm
Knight: Si Maine kasi...
Shin: Ano?
Knight: Hindi pa ba niya nasabi sa 'yo?
Shin: Na ano?
Knight: Na ano...
Shin: Na may gusto siya sa 'yo? Kinginang yan di pa masabi.
Knight: So nasabi niya nga?
Shin: Kahit di niya sabihin halata naman.
Knight: Ang akala kasi niya may gusto ako sa kaniya.
Shin: Baka kasi di mo rin sa kaniya nililinaw na hanggang friends lang.
Knight: Luh kasalanan ko pa palang nag-assume siya?
Shin: Hindi mo kasalanan. Ang kasalanan mo nga ay hindi ka sa kaniya nag-set ng boundaries kung hanggang saan lang ang relationship niyo.
Knight: Ilang beses kong sinabi sa kaniya na may gusto akong ibang babae. Pero ang sabi naman niya, siya daw yon 😭 help
Shin: Maging honest ka na lang sa kaniya.
Knight: Yon nga ang ginawa ko 😭 Pero ayaw niya pa rin talaga ako tigilan.
Shin: HAHAHAHAHAHAHA
Knight: luh may nakakatawa ba, ssob? ☹️
Shin: Siya na ang karma mo. Buti naman nakarating na ung inorder kong karma for Knight 🤗
Knight: Grabe naman ☹️
Shin: Edi ngayon naramdaman mo na ung nararamdaman ko kapag kinukulit mo 'ko?
Knight: Magkaiba 'yun kasi wala naman akong gusto sa 'yo ☹️
Shin: Alam ko.
Knight: Please, kausapin mo na si Maine na tigilan muna ako kahit saglit. Ayaw sakin makinig. Huhu.
Shin: Endure that pain of pangingilo. Use Sensodyne 🙂
BINABASA MO ANG
GOOD NIGHT, GOOD KNIGHT [Epistolary]
RomanceDarkness seems dangerous. The night seems frightening. But whatever danger it may bring, my Knight would always guard me-especially my heart.