7:15am
Gelli: Ate Shin
Seen 7:32am
Gelli: In-unblock na kita hehe, may favor lang sana ako
Seen 7:36am
Gelli: May sakit kasi si Mama, sinugod na namin sa ospital. Hingi lang sana kami sa iyo ng tulong. O kaya utang hehe
Shin: Pare-parehas tayong naghihirap tas sa 'kin ka pa hihingi ng tulong
Gelli: Hingi ka raw tulong sa Papa mo. Diba mayaman naman yon?
Shin: Wala akong tatay
Gelli: Sus.
Shin: Sa iyo na rin mismo galing na wala akong tatay, 'di ba?
Gelli: Inaasar lang naman kita non
Shin: Tama naman ang sinabi mo, eh. Wala naman talaga akong tatay
Gelli: Huwag ka na muna magdrama, Ate Shin. Unahin mo na muna si Mama
Shin: Ayoko. Mamamatay na lang akong hindi kinakausap yon
Gelli: Tsaka may part-time job ka naman 'di ba. Wala ka pa bang sahod dyan?
Shin: Wala
Gelli: Grabe naman 'to si Ate Shin. Konting tulong lang hindi mahingan. Nung panahong nakulong ang Mama mo sino ba kumupkop sa iyo kasi ayaw ka kilalanin ng tatay mo? Hindi ba't kami? Tas ngayon hindi ka man lang mahingan kahit konting tulong
Seen 9:05am
BINABASA MO ANG
GOOD NIGHT, GOOD KNIGHT [Epistolary]
RomanceDarkness seems dangerous. The night seems frightening. But whatever danger it may bring, my Knight would always guard me-especially my heart.