Chapter 23

211 17 1
                                    

Mara Pov.

Pag nakaka-kita ka ng ibang couple bakit nagiging bitter ka? Minsan masasabi mong walang forever dahil sa sobrang sweet nila.

May iba namang naiinggit dahil wala silang partner, ngunit hindi dahil walang nag-kakagusto sa kanila. Karamihan sa kanila ay takot pumasok sa isang relasyon base sa mga nakaraang pinagdaan nila.

Pag-naririnig mo ang salitang love anong pumapasok sa isip mo?

Broken?

Tears?

Timeless?

Nakakatakot magmahal ngunit sa oras na tumibok ang puso mo sa isang tao ay hindi muna maiisip ang pweding kahahantungan na lahat, because you already inlove and fell.

Love is just a word, until someone comes along and gives it meaning.

And thats what i feel now, nararamdaman ko ito ngayon sa lalakeng taimtim na nagbabasa sa sulok. Ang nagkakapalang dalawang libro ay malapit niya ng matapos basahin, kunot ang kanyang noo at hindi maayos ang pagkakasandal sa sofa.

Its been one week when he start stayed here, okay naman siya. Nagkasundo naman kami sa lahat ng ayaw ko, ang dami kong sinabi ng gabing iyon ngunit puro oo lang siya. Walang hindi o bakit siyang sinabi, sang-ayon siya at walang reklamo..

Ayoko kasi sa lahat ay makalat ang bahay, lagi akong naglilinis.. Kahit wala ng oras para doon ay pilit kong isisingit iyon sa oras ko.

Ayokong walang laman ang pitchel pag nasa ref, dahil hindi pitchel ang pinalalamig kundi tubig. Tumawa lang siya before he said 'yes roger'. And one more thing, ayokong pumapasok siya sa kwarto ng hindi kumakatok, dahil magkaka-heart attack ako kung bigla ko siyang makikitang naroon, tumawa lang din ulit siya at tumango, Natapos kami ng gabing iyon na halos payag siya sa lahat. Wala talagang ni isang reklamo.

Napabuntong hininga ako bago muling tumingin sa kanya, ngunit ilang segundo lang ng sulyapan niya ako na hindi man lang ginagalaw ang ulo. Bukod tanging mata lang ang tumama sa pwesto ko habang nakasandal pa rin siya.

"Kanina mo pa ako tinitingnan ha, tapos ka na ba diyan?" tumango ako, kapwa kami nag-aaral ngunit tapos na ako. "Kaya pala inaaral muna ang mukha ko ngayon, tsk.. inlove ka na ba?"

"Tsk, ikaw tapos ka na ba?"

"Pag-aralan ang mukha mo? Oo, kanina pa.."

Umirap ako, "I mean your assignment, thor.."

"Malapit na, kung hindi mo lang ako din-stract.." ngumisi ito bago isara ang libro, sa tuwing gagawin niya ang ngising iyon ay mas lalo siyang gumagandang lalake.

He's really charismatict.

"Tapusin muna 'yan.." ani ko, ngumuso siya.

"Im almost done, ni-check ko lang ang iba.." tumayo ito at lumipat sa pwesto ko, nasa sala kami at nakaupo sa mahabang sofa.

Its 7:30 in the evening, tapos na kaming kumain at sabay kaming nag-aral. Hindi na tuloy boring sa bahay dahil may kasama na ako, hindi ko nga lang alam kung kailan uuwi si mama. Nag-message naman ako sa kanya at sinabi ang tungkol kay thor.

"I passed the exam today.." balita nito, nagulat ako at tila nasiyahan sa sinabi niya.

"Really, nagtake ka uli?"

"Hm.." tumango siya. "Naki-usap ako sa proffesor, then he say yes.. Top student naman ako sa klase bonus lang ang mukha ko kaya pumayag siya.." napangiwi ako sa sinabi niya ngunit mas nangingibabaw ang tuwa sa balita nito.

I know he did it.

"Mabuti naman at nakapasa ka.."

"Akala ko nga hindi e, pero ng isipin kita parang alam ko na lahat ng sagot.."

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon