Chapter 2
Akimara Pov.
Kaarawan ni ate sa susunod na dalawang araw, Umuwi ito upang makasama kaming pagsaluhan ang 20th birthday niya, Dalagang dalaga na talaga si ate, hindi ko maitatangging siya ang hinahangaan ko sa larangan ng pagandahan.
Sumasali ito sa bawat patimpalak, na kung tawagin ay mutya ng santa rosa, iyon ang pangalan ng lugar namin, Hanggang ngayon ay taglay niya pa rin ang walang kapantay na ganda.
"Naku ate, Sa akin na 'to ahh.." ini-angat ko ang pulang bistida na sa tingin ko ay hahapit talaga sa katawan ko, Nasa kwarto kami. Dala-dala ni ate ang mga damit niyang pinag-liitan na.
"Sa' yo naman talaga iyan mara, kanino ko pa ba ibibigay?"
"Ate naman, sa susunod iyong mga heels mo naman.."
Agad sumabat si mama sa sinabi ko. "Aba't anong binabalak mo?"
"Ma naman eh, dalaga na ako, natural lang na magpa-ganda at mag-ayos ako.." sumama na ang tingin ni mama, may iba na naman siyang iniisip.
"Magpa-ganda! At kanino mo naman inaalay iyang pag-papaganda mo?!"
Oh see, Here's come the armalite voice, ratatatatttt!
"Iyang kapatid mo, Natuto ng magsinungaling, noong isang araw ay nagpa-alam na may group project sila, yun pala ay nakipag-birthday sa kabilang baryo!" nilingon ako ni ate, nakataas na rin ang kilay.
"Ate k-kasi.." nagkakamot na ako ng ulo, "Birthday ni tristan, alam mo na, 21 siya. Enggrande iyong dibu niya.."
"Tristan?" si mama, ayan na naman. Tatakas na ba ako? "Sino iyon?"
"Siguro ay kaibigan iyon ni mara, ma.." si ate, ilang tango ang ginawa ko kay mama.
"Oo mama, Kaibigan lang.."
"Kaibigan?" kunot na ang noo nito, bago pa masundan ang sasabihin niya ay tumayo na ako.
"Babanyo lang ako!" tumakbo ako, ala-ninja ang kilos ko maging ng isara ko ang pinto ng banyo, Si mama talaga, napaka-strikto pag dating sa' kin, kung sabagay maging kay ate rin naman.
Ang totoo kasi ay nagkayayaan kami ni beka at ng ibang kababaihan na classmate ko rin, dahil sikat si tristan ay maraming dumalo sa birthday niya. Syempre hindi ako papayag na hindi ko makita man lang ang pamatay niyang suot noong gabing iyon, Naku lang talaga! Muntik pa akong mahimatay ng makita ko siya 'nung gabing iyon.
Ilang minuto akong nakatayo sa likod ng pinto, nang mainip sa loob ay bahagya 'kong pinihit ang pinto, nakasilip ang ulo ko at tinitingnan si mama kung naroon pa. Nang makitang wala na ito ay nakangiti akong lumabas.
"Sa wakas wala na si mama!" masiglang ani ko, naroon pa si ate sa kabilang kama, nagcecellphone na ito. "Nasaan iyong mga damit ko?" inilibot ko ang tingin, saan nila idinala iyon?
"Itinabi ni mama.."
"Ano! Ate naman eh!" pabagsak akong umupo sa paanan niya, yamot na yamot talaga. "Gustong gusto ko iyon!"
"Saka na pag dalaga ka ng talaga.."
"Ihh! Dalaga na ako, Nireregla na ako at malapit na akong mag debut.." ibinaba nito ang hawak na cellphone, nagfocus na sa' kin.
"Iyon na nga, Sa oras na mag 18 ka na ay mai-susuot muna ang nais mo.." hindi mawala ang pagka-busangot ko sa mukha, dalaga na kaya ako. "Parang ako lang, ngayon ko lang nagawa ang mga gusto ko, Tsk. Ang mga magulang natin ay masyadong conservative sa mga anak.."
"Mukha na akong manang sa mga suot ko.." ani ko, tinutukoy ay iyong mga pajama at tshirt na ibinili sa' kin ni mama, kailan ba ako makakapag-bisitida man lang.
BINABASA MO ANG
Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)
Fiksi RemajaStorm salazar is a student of prosecutor, he always make his study on top. He really wants to pursue his dream because of his family justice. But when he meet Akimara Hernandez the daughter of founder in casino, His enemy. Everything was change, bec...