Chapter 51

186 11 1
                                    

Mara Pov.

(LUCAS DEL MONTE)

”Have a sit..”

Batid ko'ng bakas ang gulat sa aking mukha, hindi makakurap habang nakatitig sa kanya. Seryoso ito, walang balot na pagtataka na parang inaasahan na ang pagdating ko.

Ngunit siguro'y tama ako, alam niyang darating ako dahil buong impormasyon ko ay naipasa ko sa kanilang assistant.

May alam na siyang ako ang kakausapin niya ngayon.

”Are you not going to sit?” doon ko lamang nagawang kumurap, mabibigat ang paghinga bago humakbang papalapit sa upuan.

”Remain standing, I don't want to talk with a none tounge woman..”

Hindi pa ako nakakapwesto ng magsalita siya, natigilan ako at hindi na nga umupo.

”Get out..”

Nagtataka ko siyang tiningnan, pinapaalis niya ba ako?

”Do you rejected her application sir?” nilingon niya ang secretary, kunot ang noo at napakasama kung tumingin.

”She's hired..”

Naiwan akong tulala sa harapan, hindi niya pa ako kinausap o tinanong man lang ngunit tanggap na ako?

Nagbibiro ba siya?

”S-sir?”

”Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” ngumiti ang secretary, isang sapilitang ngiti bago tumango.

”It's all cleared, sir..”

”Then put her in the middle area, give the assignment about the low case..”

Tumayo na siya, isinara ang laptop at lumisan sa aking harapan. Sinundan ko ito ng tingin, He enter the room where in the side of his office.

Napakurap ako.

Ngayon lang nag-sink in lahat sa akin ang nangyari.

Kanina ay parang tumigil ang mundo ko ng makita siya, nakaupo at ito ang humaharap na boss sa kumpanyang ito.

Paano siya nagkaroon ng kumpanya?

”Ang swerte mo, tanggap ka agad kahit fresh training ka pa lang..” malaki ang ngiti ng secretary sa akin, lalake siya at sa tingin ko'y tatanda ito ng ilang taon kay thor.

”Nakakapagtaka nga..” pilit akong ngumiti, hindi naman pwedi na sabihin ko'ng kilala ko siya. Naging malapit kami sa isa't isa dati at nagkaroon  ng isang relasyon. Ayokong ipagkalat iyon gayung ganito bigla ang trato niya sa akin.

Ang lamig.

I feel his coldness.

”Nabasa ko ang information mo, wala ka pa palang napasukang trabaho?”

Umiling ako, nakalabas na kami ng opisina at sumakay sa elevator. Pinindot nito ang floor 5 kung saan naroon daw ang mga bagong tanggap na empleyado.

Ibig sabihin nag-uumpisa pa lang ang kumpanyang ito?

”Nag-aral ako sa laguna, madalas akong magtraining ngunit kulang pa ng kalarangan..” tumango siya, bumukas ang elevator at napunta kami sa maraming office table na nakahilera.

Mga sampo iyon at bawat lamesa ay may computer.

”You can start now..” nginitian niya ako. "Inilagay ka nito sa mga mababang kaso, i-check mo lang ang iba at subukang gumawa ng article..”

”Mga ilan ang gagawin ko?”

”Dipende sa'yo kung hangga saan ang magagawa mo, maraming kaso ang nagrereklamo, doon ka sa mga matataas at subukan bigyan ng konklusyon..” tumango tango ako.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon