Mara Pov.
(Pregnant)
Abala ako sa opisina ni thor habang inaayos ang mga naiwang trabaho ni lucifer, naka-leave siya ngayon dahil naghahanda ito sa paparating niyang kasal. Hindi ko nga inaakalang ikakasal siya sa paparating na katapusan.
Enero ngayon, Ika-bente singko ng buwan at isang buwan na akong naglalagi dito sa kanyang opisina. Noong huling linggo ay sumang-ayon akong sumama sa kanilang tirahan. Doon din sa may magarbong bahay kung saan nakilala ko ang kanyang pinsan at mga kapatid.
I meet tita liza and his father tito rafael, Mabait ang kanyang ama na nahahawig ng lubos kay thor. Ngunit may trauma ang kanyang ina at hindi gaanong maka-usap. Maybe about the incident of rape, maging ako rin naman ay hindi kakayanin iyon kung mangyari sa akin. But i don't want to experience it, nakakatakot at ayokong magaya kay chin at tita liza na dumadanas ng trauma issue.
Inilapag ko ang papel sa mesa ni thor upang mapirmahan niya ang mga iyon, at bago ko punasan ang kanyang mesa ay bumukas na ang pinto ng kwarto sanhi upang huminto ako sa pagtatrabaho.
”Ako na riyan..” lumapit sa akin si thor, bihis siya at bagong ligo. But i can't take the smell of his cologne, tila hinahalukay ang aking tiyan at hindi inaasahang napahawak ako sa aking bibig.
Ang baho niya.
Tumakbo ako papasok sa kanyang kwarto, dumiretso ako sa banyo upang doon ilabas ang namumuo sa aking sikmura. Hindi ko akalaing ganon ang magiging epekto ng pabangong iyon. Bakit ayokong naaamoy siya ngayon, I hate storm smell. No not, his perfume i guess.
”What happen?” nag-aalala iyan ng hagurin niya ang aking likuran, ngunit lalo lang sumakit ang aking pakiramdam ng matapos ko'ng mailabas iyon.
”Ang baho mo!” I yelled to cause his forehead cressed, tumayo ako at lumabas ng banyo habang takip ang aking ilong. ”Ang baho mo talaga!” hindi ako mapakali dahil nanunuot sa ilong ko ang amoy, idagdag mo pa na mas mabagsik ang pabango dito sa kanyang kwarto.
”Kakaligo ko lang..” hindi ko alam kung anong itsura niya, Pero batid ko'ng nakanguso iyon dahil sa kanyang tinig. Hindi ko siya pinansin, lumabas ako ng kwarto habang takip ang aking ilong.
Sh*t, ano nga ba ang nangyari?
Dati naman ay madalas ko'ng gustuhin ang kanyang pabango, pero ngayon. Ang baho talaga!
Lumabas siyang muli, sinamaan ko siya ng tingin na nagpatigil sa paglapit sa akin.
”Hubarin mo iyang damit mo, maging ang pabango mo ay itapon mo at baka ikamatay ko pa 'yan!”
"F*ck!” nagmura siya. ”Kahapon mo pa ako nilalayuan..”
”Sabi na kasing mabaho ka!”
”Naligo na ako, I'll make sure that i have a good fragnance before i kiss you..”
”Ayoko sa amoy mo!” he let out a deep sighed, nakatingin iyan sa akin habang naiiling. Ano ba ang magagawa ko kung hindi ko gusto ang amoy niya.
”Para 'kang naglilihi..” natigilan ako sa kanyang iminungkahi, napakurap ako bago tumatak sa isip ko ang sinabi niya. But he turned back and start to leave, pumasok siya sa kwarto at sigurado akong magbibihis iyan.
Matapos niyang lumisan ay nagtungo ako sa kalendaryo, I check the date when my last period, at doon ko napunang isang buwan na akong hindi dinadalaw. Dapat noong petsa bente pa, pero hangga ngayon ay wala pa. Maybe i'm just delay, pero regular ang buwanang dalaw ko.
Bumukas ang pintuan ng kwarto, madali akong umalis sa kalendaryo bago tingnan si thor na may panibago ng suot.
He smiled before walk closer to me, wala na ang amoy na pinandidirian ko kanina. Pero sa kaisipang delay ako ay baka may posibilidad na.
BINABASA MO ANG
Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)
Novela JuvenilStorm salazar is a student of prosecutor, he always make his study on top. He really wants to pursue his dream because of his family justice. But when he meet Akimara Hernandez the daughter of founder in casino, His enemy. Everything was change, bec...