Chapter Two

733 10 0
                                    

Third Person's POV

Sumilip muna sa labas ng pintuan si Summer, nakita niyang nagsisilabasan na ang mga pasahero. Marahil ang dumaong na ang barko at nasa manila na sila. Nagpalinga-linga muna siya para siguraduhin na wala masyadong makakakita sakanya at ng makitang wala ng tao ay syaka siya nakasimangot na lumabas.

"Bwisit talagang babae yun, dahil sakanya para kong preson na nagtatago sa mga pulis dito eh."

Inis na bulong niya sa sarili habang hinahanap ang exit ng barko. Paano ba naman ay itinago nung babae ang kanyang sando kaya kumot lang ang nagsisilbing pang itaas niya.

"Elmar, nasaan kanaba."

Palinga-linga ulit siya para hanapin ang kaibigan, nakita niya ito na palabas na ng exit.

"Pare!"

Sigaw niya. Nilingon naman siya nito pero laking gulat niya na nagmadali itong tumakbo palabas dala ang kanyang bag.

"Pucha! Elmar ibalik mo yan!"

Tumakbo na rin siya palabas, bahala na kung ano ang isipin ng mga taong nakakakita sakanya. Ang mahalaga ay mahabol niya ang bag niya na tinangay ni Elmar. Andoon lahat ng naipon niya habang nasa bakasyon.

"Elmar! Sandali lang!"

Habol habol pa rin niya ito hanggang sa kumapal na ang mga tao at hindi niya ito naabutan. Hingal na hingal siyang napaupo sa isang tabi habang hawak hawak ang dibdib niya.

"Puta, para pala kong nagahasa sa itsura kong to."

Napailing siya at nanlulumo. Pinaghinarapan pa naman niya yung pera na nasa bag na yun, umekstra kasi siya sa kainan ni aling meding dun sa lugar nila. Tapos mabilis lang nakuha ng dati niyang kaibigan.

"Kasalanan to ng babaeng yun. Napakasama ng ugali."

Naalala na naman niya yung babae kanina na may magandang mukha pero masamang ugali. Nag init tuloy bigla ang mukha niya. Pero hindi naman sa kilig kundi sa inis at galit. Kung hindi kasi nito kinuha ang sando niya edi sana kahit paano disente siyang tingnan.

"Sana di ko na lang siya tinulungan. Puta, paano pa ko makakauwi nito?"

Awang awa na siya sa sarili niya. Nawawalan na tuloy siya ng pag asa na makikita pa niya si Elmar para man lang kahit yung damit ay mabawi niya. O kahit yung babaeng bintangera na yun sana makita niya para mapagbayad niya ito sa kagaguhang ginawa sakanya.

"Puta, para babae lang tumiklop agad ako kanina?"


Nasabunutan niya ang manipis niyang buhok na hindi pa ulit nagugupitan. Siguro dahil sa sobrang pagkainis niya, napakamalas niya tuloy sa araw na ito.

"Hinding hindi ko makakalimutan yung babae na yun, kahit pa chix siya ha! May atraso siya saken."

Mariing sabi niya sa sarili, tototohanin talaga niya ang sinabi niya. Once na makita niya ulit ito ay matatamaan na ito sakanya. Wala siyang pake kahit gaano pa ito kaganda. Hindi na siya titiklop.

Biglang nagring ang kanyang telepono dahilan para mabalik siya sa ulirat at matigil ang pag iisip niya kung paano gagantihan ang babae. Sinagot niya agad ang tawag ng kapatid.

•••

"How can i contact him?"

Blade annoyingly said to herself, while looking around the pier. Kakadaong lang kasi ng sinakyan niyang barko kung saan nagkada-leche leche ang inakala niyang magandang trip. She's worried about going home, hindi kasi niya alam kung paano makakauwi, kung sino ang tatawagan niya, kung kanino siya makakatawag at kung sino ba ang susundo sakanya. Naiiyak na siya sa halo-halong nararamdaman niya ngayon.

Summer's Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon