Rhena's POV:
"Ano deal? Malaki-laki rin ang kikitain mo plus may condo unit ka pa. Ikaw lang ang inofferan ko ng ganitong trabaho. Kaya ang swerte mo. Kung ako sayo tatanggapin ko na tong trabahong to. Para sa kapakanan mo naman to eh. Ikaw rin."may point naman sya dun."Pag iisipan ko pa."sabi ko.
"Kailangan mo ng pumayag kasi dadating na ung parents ko from States. Kinekwenta mo pa yata kung magkano ka eh."sabi nya.
"Ang sakit mo naman magsalita. Hindi lahat ng katulad ko mukang pera."sabi ko.
"Bakit hindi ba?"sabi nya.
"Sobrang sakit mo magsalita.Kung ganyan naman din lang ang tingin mo sa kin, di ko na tatanggapin yang trabahong ino-offer mo."sabi ko habang maluha luha. Tapos tumayo ako dala dala ung bag ko. Pumunta ko sa isang sulok ng bodega para mapalayo sa kanya pero lumalapit pa sya sa kin.
Hinayaan ko lang un. Maya maya nakaramdam na ko ng antok."Haaaa nakakaantok! Ang hirap pala makulong."
"Here. Sumandal ka sa balikat ko. Wag ka ng mahiya. Pambawi lang sa nasabi ko kanina."pago-offer nya sakin.
'Yiieee kinikilig ako!!! Lord eto na ba un??'sabi ko sa isip ko.
'Hoy Rhena tumigil ka na sa pakilig kilig na yan! Di bagay!!'saway ko sa sarili ko.
"Ahhh ayaw mo ba? Ok lang naman eh. Alam ko namang may galit ka pa sa kin eh. Pero pwede kang sumandal sakin."
"Sige. Medyo inaantok na kasi ako eh."
"Uhhm Rhena, payag ka na ba sa deal natin?"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pano ba to?
"Pwede magkwentuhan na lang tayo?"
"Sure. Ako na muna magtatanong. Buhay pa ba parents mo? Ok lang kahit ayaw mong sagutin."
"Patay na sila. Ung mama ko namatay nung pinanganak ako. Kaya nga minsan iniisip kong ako ung may kasalanan kung bakit namatay si mama. Ung papa ko naman namatay kasi nagkasakit. Una sumasakit lang ung ulo nya, so ayun pinainom ko lang sya ng gamot. Then maya maya sumakit naman ung batok nya. Syempre 15 pa lang ako nun, dinala ko na sya sa ospital. Pagkatapos ng 5 oras, patay na sya. Sorry ha umiyak pa ko."
"Ok lang. Eto panyo."
"Thank you."
Andrew's POV:
"Thank you. Uhhm.. May past ka ba? Or ex?""Ibang question na lang."
"Hindi pwede. Hindi naman ako nagreklamo sa tanong mo kanina ha."
"Ok fine. May ex ako. Pangalan nya Maisy. Nagkakilala kami nung highschool pa lang kami. Second year pa lang kami so wala kaming masyadong alam sa relasyon thingy. Sya lang ung babaeng minahal ko ng sobra. Sya ang pinapantasya sa school kaya nung naging kami sabi nila 'Ang swerte mo'. Sobrang sweet namin nung kami pa. 2 years kami naging magboyfriend. Kaya lang nung JS Prom namin nung 3rd year kami, un na pala ang huli naming pagkikita. Napakatanga ko nun kasi hindi ko man lang sya pinigilan. Hindi man lang sya nagpaalam basta iniwan nya ko dun. At kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pag ulan. Kaya simula nun, single ulit ako. Ayokong nakakakita ng sweet couples. Sya lang ang kahinaan ko. Kaya kung may makita man akong ibang babae, i will never let my heart to fall again."
"Tulog na tayo."sabi nya.
"Uhhm.. Rhena, ano payag ka na ba sa deal natin?"
"Sige. 3 months lang ah. Goodnight Andrew."
"Goodnight Rhena."
Infairness sa babaeng to. May tinatagong kahinaan din pala. Ewan ko ba kung bakit ang kalmado ko sa kanya.
A/N: Anong masasabi nyo sa chapter na to? Nakakakilig ba? Comment na dali!!:-)
~Vote - hindi po sapilitan.
Share nyo po yung story para more readings. (Kung pwede.. Hehehe)
Thank you po sa mga naghihintay ng updates. Sana po dun sa nag stop magbasa ng story, sana po ituloy nyo. (Kung pwede ulit.. Hehehe)
Thank you po sa mga nagbabasa.
God bless
BINABASA MO ANG
Can This Be Love?
किशोर उपन्यासIsang babae ang nagngangalang Rhena Shikaina Santos ang napaka-swerteng babae sa St.Paul Academy. Dahil ito sa pagiging 'mag-boyfriend at girlfriend' nila ni Andrew Escalona. Si Andrew Escalona ay ang pinapantasya ng lahat ng babae sa St.Paul Academ...