Chapter 8

13 2 0
                                    

Andrew's POV:
"Hay nako! Rhena kasi eh! Ayaw mo pang makipagbati sa kin ayan tuloy nakulong pa tayo dito!"naiirita kong sabi.
"Kasalanan ko bang ayaw kong makipagbati! Eh sa ayaw ko eh! Problema mo?!"
"Problema ko?! Ikaw?! Ikaw ang dahilan kung bakit tayo nakulong dito! Kung hindi ka pa nakipag-shake hands sakin, edi sana wala tayo dito! Ang choosy choosy mo kasi!"mapaos-paos na ko dito.
"At ako pa ang choosy ha?! Ayoko lang mahawaan ng germs ng kamay mo! Nakakadiri!"kung makapandiri to wagas.
"Hoy! For your information, makinis tong kamay ko! Ako rin ayaw kong mahawakan yang kamay mo noh!! "
"Ang ingay mong lalake ka! Teka lang!"tapos parang may kinukuha sya sa bag nya.
Rhena's POV:
"Ang ingay mong lalake ka! Teka lang!"tapos may kinuha ako. Alam nyo ba kung ano un?
"Ano ba yang kinukuha mo? Ang tagal naman naii-"pinutol ko na ung sinasabi nya. Papel lang naman na crinumpled ko ung kinuha ko na't matahimik na ung kaluluwa nya.
"Ano tatahimik ka na?!"natatawa kong sabi. Bakit?! Ung mukha nya kasi, parang kamatis, pulang pula. Hahaha!! Sarap pagtripan!!!
"Pwe! Bakit mo ginawa sa kin yun?!"

"Ang ingay mo kasi!! Hmp!"- ako.

"Mas maingay ka!"- sya

"Hindi ako ung maingay! Ikaw!"- ako

"Ikaw ang mas maingay! Tandaan mo, ikaw ang may dahilan kung bakit tayo nandito!"- sya.

"At ako pa ang may kasalanan?!"-ako

"Bakit?! Ako ba ang lumalabas na may kasalanan?!"-sya

"Pwede ba tumahimik ka na?! Alam ko na gusto mo ng lumabas dito! Pero ikaw lang ba?! Ako rin gusto ko rin!! Napaka- selfish mo! Siguro kung may past ka, iniwan ka nun kasi napaka- selfish mo! May klase pa ko kaya gusto ko ng lumabas dito! Bawat segundo sa lecture mahalaga sa kin! Alam mo ba un?!"-ako.

At binalot na kami ng katahimikan. Nakakabingi ang katahimikan. Sana dumating ang araw na mawala na tong lalaki na to sa buhay ko para wala ng sagabal. Haist! Ang hirap maging maganda!

Can This Be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon