Camille's POV:
Nagulat ba kayo sa mga revelations ko? Hahaha. Well, that's part of my story. Alam ko namang mas ma-alindog ako sa kanya no. (Wala ng bawian.)
Uhm ano bang sasabihin ko sa point of view ko? Ah alam ko na!
Ayun boring pa rin yung classes. Nakaka boring. Psh..
"Ma'am!"
"Yes Ms. Reyes?"
"Can I go to washroom?"
"Ok. As I said..... blah blah.."
Sa totoo lang ayoko talagang pumunta ng cr. Kaya lang may CCTV kasi dito sa school. Masyadong secured.
*Cr*
Ayun pagdating ko ng washroom, diretso kaagad ako sa cubicle. Excuse me ha! Hindi ako iihi or what ha. Sinarado ko na lang yung bowl tapos tsaka ko kinuha yung phone ko.
Wait may tao ah. Mapakinggan nga kung ano yung pinag uusapan nila. Hindi naman sa chismosa ako ha? Trip ko lang makinig. So eto nga yung pinag uusapan nila...
I'm just wondering Alex kung bakit ka ganon ka sa evil sister mo?
Teka sinong Alex? Pati evil sister?
Haha. Kaya lang naman ako ganon kasi simula nung makita ko sya. Her evil face.
Kilala ko yung boses na yun ah? Let me remember... Ah from my meanest sisteret. Ayoko munang lumabas. Makikinig muna ko.
Grabe lang ha. Evil talaga ha? Galit na galit?
Talagang talaga. If I know ampon lang sya. Ako ang tunay na anak. Sana nga malaman nya na eh.
"Ate how dare you?!"
Di ko na napigilan eh.
"Don't dare me to call me ate! It's so kadiri. Tsaka nakinig ka pa talaga sa usapan namin ha? Bakit alam mo na ba?"
"Narinig ko lahat. At hindi ako maniniwala hangga't hindi pa sila Mom and Dad ang nagsasabi."
"Bakit mo pa hihintayin? Eh ako na nga mismo nagsasabi sayo eh. AMPON KA LANG."
At in-empasize nya pa talaga yung last sentence nya.
"Tigilan mo na ko ate. Bago ko pa tigilan ang pagtawag sayo ng ATE."sabi ko sabay walk-out.
Pano nya nasabi yun? May nagawa ba kong masama? Psh. Basta hindi ako naniniwala sa kanya hangga't hindi pa sila Mom and Dad.
Sh*t. Gusto ko umiyak. Kahit alam kong hindi totoo yun, nararamdaman kong may something.
*Classroom*
"Rhena bakit ganun? Bakit kailangan nya pang magalit sa kin?"
"Hindi natin alam eh. Siguro kailangan mo syang kausapin."
"Pano *sob* ko sya *sob* kakausapin *sob* kung ganun sya?"
"Maybe kailangan mo munang syang bigyan ng space."
"Ganun na nga."
Buti na lang nandito si Rhena. Sya yung lagi kong takbuhan tuwing ginaganyan ako ng meanest sister ko. Buti na nga lang uwian na at hindi ko na kailangang pilitin yung pagka-recover ko.
Rhena's POV:
Lagi na lang umiiyak tong bestfriend ko. Nakaka awa naman. Kasi yung ate nya napaka urghh. Hindi ko ma-discribe.
*beep*beep*
------------------------------------------------------
From: 09*********
Rhena let's talk at the nearest coffee shop.P. S. I'm Andrew.
------------------------------------------------------
Pagkabasa ko nun, nainis ako agad. Di ko pa sya nakikita, isang text lang nya, naiinis na talaga ako. Ewan ko ba, napaka-antipatiko nya. Pero syempre, sinave ko agad yung number nya. Baka kasi makalimutan ko pa eh.
------------------------------------------------------
To: Antipatikong Andrew
Oo. Ico-comfort ko muna si Camille. Si Rhena 'to.
------------------------------------------------------
"Ah Camille. Aalis na ko ha. May pag-uusapan pa kami ni Andrew."
"Ah sige. Hatid na kita. Tapos diretso na ko sa bahay."
"Ok. Ano? Tara na?"
"Let's go."
*Coffee shop*
"Bye!!! Camille!!!! Ingat!!!"
"Bye!!! Bebs!!!! Ingat din!!!!"
*Sa loob ng Coffee shop*
Nasan na ba yung Andrew na yun? Hanap hanap...... Ayun! Malapitan na nga.
"O ano bang pag-uusapan natin? Mag-iimpake pa ko."
"Tara labas na tayo."
"What the?! Hindi man lang ba tayo magpapalamig? Or bibili ng frap?"
"Wala na tayong oras para sa mga dyan. Let's go."
*Parking lot*
"O ano namang gagawin natin dito?"
"Sakay."
"Bakit?"
"No more question. Sakay sabi eh."
"Ayoko."
"Ayaw mo ha."
A/N: Ano kayang ginawa ni Andrew kay Rhena para mapasakay sya sa kotse? Abangan!!!! Vote kung nagustuhan nyo. Hindi po ito sapilitan ha.
You can follow me at my wattpad account. :)
BINABASA MO ANG
Can This Be Love?
Ficção AdolescenteIsang babae ang nagngangalang Rhena Shikaina Santos ang napaka-swerteng babae sa St.Paul Academy. Dahil ito sa pagiging 'mag-boyfriend at girlfriend' nila ni Andrew Escalona. Si Andrew Escalona ay ang pinapantasya ng lahat ng babae sa St.Paul Academ...