Chapter 13

18 2 0
                                    

Rhena's POV:
Hay nako! Kahit kelan talaga ung babaeng un laging MIA (Missing in Action). Kung kelan kailangan, wala naman dyan. Tinatawagan ko, ayaw naman sumagot. Kanina pa nga ko pinagbubulungan dito eh!! Nakakairita!!!! Maya maya may tumawag sa kin.

"Hoy babaeng malandi kang aliparot ka!"

Tumingin muna ko sa paligid, pero wala namang masyadong tao kaya lumingon ako dun sa tumawag.

"Ako ba ang tinatawag mo?"sabay turo ko sa sarili .

"Oo ikaw nga."

"Eh bakit ako?"

"Sino lang ba satin ang nang-agaw kay Papa Andrew?"

"Hindi ko sya inagaw sayo. I mean sa inyo pala."

"Girls, ATTACK!!!"sabi ni

Alexandria Reyes.

Kung sino sya? Well sasabihin ko na sa inyo agad kung sino sya. Sya si Alexandria Reyes. Ang pinakamagandang nilalang sa St. Paul Academy. Oo maganda sya, pero kaya ayaw sya ng mga tao dito kasi bully sya. Lalo na sakin. May club sila tungkol sa Papa Andrew thingy nila. Ewan ko ba dun.

"Ano ba tigilan nyo na nga ako!!"

"Hindi! Wag nyo syang tigilan girls!! Inagaw nya si Papa Andrew sa tin!!"

Andrew's POV:
Nasan na ba ung babaeng un?! Wala pa naman akong cellphone number nun! Psh! Nagpunta na ko dun sa room namin wala sya! Nalibot ko na halos ung school pero hindi ko pa rin sya nahahanap! Peste!

Maya maya nag-ring na ung bell so no choice babalik na ko sa room. Since medyo malapit lang ung room namin sa canteen, dun na ko lang ako dadaan pero habang papalapit na ko sa room may narinig akong sumisigaw. Parang boses. Uhhm let me think.... Ah si Rhena! Sa kanya ung boses na un! Pero bakit sya sumigaw ng ganun? Mapuntahan na nga lang.

Letche! Totoo ba tong nakikita ko?! Panaginip lang ba to? Si Rhena binubugbog! Natataranta ko dahil first lang to gawin sa girlfriend ko - i mean fake girlfriend. Pumunta agad ako sa lugar nya para yakapin sya. Nagulat naman ang loka.

"O Alexandria bakit kayo tumigil?"

"Eh kasi nakaharang ka dyan eh."pagpapalusot nya.

"Huh?! Ang labo nyo naman eh! Tuwing andito ako tsaka kayo titigil?! Pwede ba itigil nyo na ung pinag gagagawa nyo sa girlfriend ko?! Kung pano nyo ko igalang bilang hinahangaan nyo, sana ganun din sa girlfriend ko! Kaya sa susunod na saktan nyo sya, baka makalimutan kong babae kayo."

"Sorry Prince."sabay sabay nilang sabi.

"Tsk. Tara na sa clinic. Wag na maarte."

"Pero Andrew kaya ko na to. Maliligo lang ako sa shower room tapos ok na."

"Tsk."sabi ko sabay buhat sa kanya ng pa-bridal style. Nagulat na naman ang loka.

Psh. Kung wala lang tao dito kanina ko pa to binagsak. Pa-VIP to masyado ah. Maghanda ka sakin mamaya. Letche!

Rhena's POV:
Letche bels naman oh! Gusto ko ng bumaba sa pagkakabuhat ni Andrew sa kin!

"Hoy Andrew! Anong palabas to?! Sabi ko naman kasi eh kaya ko na! Ibaba mo na ko!"

"Gusto mo talagang ibaba kita?"

"Oo! Ibaba mo na ko!!

"Ok."sabi nya sabay binagsak ako sa lapag. Binaba nga ko. Magaling!

"Letche ka Andrew. Binaba mo nga ako."

"Sabi mo eh. Bilisan mo pumunta sa clinic. Cr lang ako. Tayo bilis."

"Pakyu sagad! Letche!"sabi ko habang pinapagpagan ung uniform ko.

A/N: Sana nagustuhan nyo ang pagpapanggap nila. Hehehe. Vote plith?? Hehehe. Comment na rin para happy.✌

Can This Be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon