Andrew's POV:
"Andrew mahal mo ba tong bestfriend ko? I mean may feelings ka ba para sa kanya?""Wala."bored kong sagot.
See? Kaya kung may gusto sya sa kin, wala na syang pag-asa. Tsaka kala naman ng bestfriend nya, ung Camille ba un? Oh basta! Kala naman nya may gusto ako sa bestfriend nya. Luh!! Mangarap silang dalawa."Ah un naman pala. Wala."sabi nya sabay siniko si Rhena.
"Ano ba Camille?! Kanina ka pa siko ng siko dyan! Sa tingin mo ba magkaka-gusto ako dyan sa mukang pulubi na yan?! As in DUH!!!"
"Hoy babaeng mas muka pang pulubi sa kin! Ay hindi pala mukang pulubi, pulubi na talaga!! Mula nung naging fake- . Girlfriend pala kita hindi na natahimik ang buhay ko!! Arrgggh!!!"
"Ah Andrew anong fake?"kalmadong tanong nung Camille ata? Ah basta!
"Ah yung fake? Ano yun! May nagbenta kasi kay Andrew ng fake na brand. Kay fake. Hehe."singit naman ni Steve.
Yeah. My life saver of my day. Buti nga naniwala eh. Muntik na.Malalaman din naman to ni Camille. Oh gulat kayo kasi tinawag ko sya sa pangalan nya? Well tinatamad kasi si author mag type. Hehe. Moving on. As I said, malalaman din ni Camille. Sa daldal ba naman ng girlfriend ko- I mean fake girlfriend na hinire ko, hindi ba obvious? Malalaman din yun! Trust me.
"Aray Rhena bakit mo ko pinitik sa noo? Ikaw, ang brutal mo talaga!"sabi ko sabay himas sa noo ko. Masakit naman talaga!
"If I know, pinagpapantasyahan mo na ko sa isip mo! Manyak ka pala Mr. Antipatiko!"
"Manyak mo muka mo! May ibibigay lang ako sa yo. Pero mamaya na."
"Ano yun?"
"Basta."
"Tss."
"Kumain na nga lang tayo. Its my treat. Basta tayong apat lang."sabat naman ni Steve. Gutom na rin kasi ako eh.
"Yehey! Eating time again!!!"
Woah! Marunong palang sumigaw si Camille?"Fast forward..
*Canteen*Parang patay gutom tong dalawang to. Ngayon lang nakakain ng steak? Tss.
"Hoy Rhena! Dahan dahan naman ng pagkain!"
"Asghkfdmlmsksbjzjbzkwlmsk"
Yan yung naintindihan ko eh.
"Dont talk when your mouth is full. Its rude."
Linunok nya muna yung kinakain nya bago sya magsalita. "K. Fine. May pa-rude rude ka pang nalalaman. Tss. Kumain ka na lang. Dami pang alam eh."
See? Kahit walang kwenta yung sinasabi ko, may isasagot sya. Amazona sya eh. May gusto sa kin yata to eh. Kasi diba pag may gusto ka sa isang tao, gusto mo syang kausapin. So ibig sabihin, kahit non sense yung sinasabi ko sasagot pa rin sya. Makausap lang ako.
Kung ako walang feelings sa kanya, sya kaya meron?
A/N: Vote and Comment!
Please read my other story named 'Pag-ibig na Kaya?'. Kung pwede.
BINABASA MO ANG
Can This Be Love?
Teen FictionIsang babae ang nagngangalang Rhena Shikaina Santos ang napaka-swerteng babae sa St.Paul Academy. Dahil ito sa pagiging 'mag-boyfriend at girlfriend' nila ni Andrew Escalona. Si Andrew Escalona ay ang pinapantasya ng lahat ng babae sa St.Paul Academ...