"Nag enjoy ka?" Tanong ni Daddy. Gabi na at kumakain kami ng hapunan. Ilang araw na rin matapos 'yung birthday celebration ko.
"Opo... sobra" Sabi ko at ngumiti.
"Sa sobrang enjoy, Dad. Hindi na nagpakita 'yan sa'kin, kinabahan ako buong gabi! Tapos nahatid ka na pala ni Miko!" Reklamo ni Kuya.
Si Miko ang naghatid sa akin?! Sino ba talaga?!
Hindi ko pa 'ata napasalamatan at hindi ko mapasalamatan dahil hindi naman ako sigurado kung siya ba o si Aldrin ang naghatid sa akin noong gabing 'yon, nakakainis!
"Sorry na" Nag peace sign pa ako kay kuya at tumawa bago magpatuloy sa pagkain.
"You're happy lately, anak, ha" Sabi ni Mommy. Napatigil naman ako sa pag ngiti. Am I? Hindi ko pansin, may nagbabago ba sa'kin?
"That's a good news, you're slowly coming out of your cage. And I'm happy, I'm very proud of you" Sabi ni Mommy at hinawakan ang kamay ko. Katabi ko kasi siya sa lamesa.
Ngumiti nalang ako at dahan dahang tumayo.
Kung may nagbabago man siguro sa akin, 'yun ay ang pagbawas ng hiya ko sa tao. Nagiging comfortable na rin ako sa mga sitwasyon na hindi ko naman kinasanayan dati.
Mas naf-feel ko ang pagiging ako kapag kasama ko sila Cheska, naipapakita ko ang totoong ako kapag kasama ko sila.
They really helped me a lot. I'm so grateful to meet them in my life, napaka swerte ko.
"Nabuksan mo na ba mga regalo mo, anak?" My mom asked.
Umiling naman ako, "Hindi pa po" Wala akong time eh.
"Malapit na pasko, dito ka magpapasko, Dad?" Kuya changed the topic.
Oo nga! Pasko na in a few days, hindi pa ako nakakabili ng regalo sa mga kaibigan ko. I want to give them a gift. Magkikita kita pa naman kami bago magpasko, eh. Kasi magkakahiwalay kami. Si Cheska sa Australia, si Aniella sa Canada with family daw tapos si Kiko naman ay uuwi sa kanila.
Magkakahiwalay kami so we're having a mini Christmas party, advance na kami sa pasko.
"Yes, siguro last week of January pa ako babalik doon" Sagot ni Daddy.
"Uuwi ka ulit sa graduation ko, Dad? Hassle 'yon, parang pabalik balik ka" Kuya said, halatang nanghihinayang pa sa pagalis ni Daddy.
"Oo, uuwi ulit ako before your graduation." Sagot ni Daddy ulit.
"Ingat kayo doon, ha" Sabi ko kila Cheska bago sila yakapin. Kakadating ko lang sa condo ni Aniella. Dito raw kami mag pa-party, sleep over na rin.
Bukas ng gabi ang flight nila pareho, sabay pa, amp! Hindi naman namin mahahatid ni Kiko dahil kasama nila ang kanilang pamilya.

BINABASA MO ANG
Heaven's Cloud (EDITING)
Teen FictionThe class president and a transfer student at their university. Who would have guessed that they would get along? Miko planned to assist Skye in stepping beyond her comfort zone after their project together. His only goal is to help her and not to f...