"Pagwawakas"
Sinta,
Umabot na ang araw na aking kinatatakutan
Ang mawalan ng saysay ang ating pinagsamahan
Na lubos nating pinangalagaan
Noong panahon na masalitang TAYO PA!Na minsa'y hindi sumagi saking isipan
Ang iwan ang ating nabuong pagmamahalan
Ito may masalimuot sa harap ng iba
Ang mahalaga ipanaglaban kita
Sa harap ng mapanghusgang mataNgunit hindi naging madali ang lahat
Dahil ikaw mismo ang kusang sumuko
Na akala ko'y ipaglalaban mo
Ang lahat ng mayron tayo
Ako'y nagkamali sa aking napiling makasama ng pangmatalagan
Dahil ikaw din pala ang tatapos sa ating nasimulan
Ikaw din pala ang magtutuldok sa bawat pangungusap
na nais ko pa sanang dugtungan
Kaya simula ngayon hahayaan na kita,
Hahayaan na kita na bumuo ng panibagong kwento kasama ang ibang tao
Paalam!