Mahal bakit bigla kang lumayo ?
Akala ko kahit anong mangyari hindi mo ako iiwan
Mahal umasa ako sa mga salitang iyong binitawan
Na kumumbinsi sa aking damdamin
Pero mahal anong nangyari?
Bakit biglang nag-iba ang takbo ng isip mo?
Bakit naging ganto ?
Mahal ang daming tanong na sumasagi sa aking isipan
Pero alam kong malabo itong masagot
Dahil malayo ka !
Malayo tayo sa isa't isa
Mahal alam kong kailangan mo akong lisanin
Pero sana naman hindi sa ganitong paaran mahal
Na ito ako nagmumukmok sa isang tabi
Na para bang isang bata na inagawan ng laruanMahal tandaan mo iintindihin kita
Kahit alam kong malabo
Malabo na maayos natin , ang dating mayroon tayo
Pero mahal sisikapin kong ibalik ang lahat
Lahat na ating sinumpaan
Alam kong hindi ko ito maisasakaturapan sa ngayon
Dahil wala ka !
Wala ka sa tabi ko !
Pero mahal asahan mo hindi ako magbabago !
Dahil sa pagbabalik mo mahal !
Lahat ng aking mga binitawang salita ay gagampanan koMahal simula ng iwan mo ako
Hindi ko inisip na magiging ganito ka komplikado ang ka hahantungan
Komplikado , komplikado sa lahat ng bagay
Bagay na hindi natin napagkakasunduan
Kahit isang maliit na problema ay pinapalaki natin
Para tayong asu't pusa kung magasaran
Para tayong pusa't daga na hindi magkasundo
Pero mahal kahit ganito tayo , mahal ? Mahal parin kita
Ikaw lang wala ng iba