"Alamat ng unang pagtatapat"Sisimulan ko ang tulang ito
Sa paraan na nakakalito
Tulad ng pag-ibig ko
Na hindi ko alam kong ano
Kong ano, ba talaga tayoIto na,
Ito na, Ang simula ng lahat
Na para bang alamat
Ng unang pagtatapat
Na hindi naging sapat
At nagbigay ng lamatLamat, sa ating pinagsamahan
Na aking pinanhinayangan
Alam mo kung bakit?
Dahil nawalan ng saysay, ang ating pagkakaibaganPagkakaibigan, na akala ko hanggang dulo
Ngunit hanggang dito lang pala tayo
At tuluyan kanang lumayo
Kaya kinalimutan ko,
Kinalimutan ko ang lahat ng meron tayoAlam mo kong ano ang pinakamasakit gawin?
Yun ay ang kalimutan ka
Ngunit wala akong magagawa
Dahil wala ng pag-asa pa
Na maibalik ang yugto ng pagiging maligaya
Bilang isang magkaibigan
Na nabuwag ng dahil lang sa nakakalitong nararamdaman
Na hindi maipaliwanag ng pusong nadurog
Ng isang matinding kalabogKaya ito na, ito na ang huli
Hindi na ako magaatubili
Na kalimtunan ang isang tulad mo
Na dumurog ng puso ko
Kaya hanggang dito nalang paalam sayo💔