Paalam kamag-aral

2 0 0
                                    

                                          "Paalam kamag-aral"

Sisimulan ko ang yugtong ito,
Sa unang araw ng pasukan
Na kung saan ay nagkakahiyaan
Ngunit kailangan labanan
Ang hiyang nararamdaman

Hanggang sa dumating ang araw
Na naging komportable na tayo,
Sa bawat isa
Na para bang kapatid na ang turingan natin
Na kung anong meron siya ay sayo rin

Ngunit hindi parin maiwasan ang bangayan
Bangayan sa lahat ng bagay
Hindi maiwasan ang pataasan
Hindi maiwasan ang kulitan
Hindi maiwasan ang asaran

Kaya ito na,
Dito na natin malalaman
Na sa bawat bangayan, pataasan, kulitan, asaran
Ay napamahal na pala tayo sa isa't isa
Napamahal, na hindi gugustohin pang magkalayo
Ngunit hindi natin maiiwasan
Ang lahat ng susunod na mangyayari
Kaya kailangan natin tanggapin
Na hanggang dito nalang ang mga alaala na ating nabuo

Nagsimula man sa "Hi! Ako nga pala si"
Magtatapos din pala sa"Paalam mga kamag-aral"
Sana manatili parin tayo sa puso't isipan ng bawat isa
Dahil hindi pa dito nagtatapos ang yugto ng ating buhay
Marami pang mga pagsubok ang ating pagdadaanan.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 Spoken Poetry (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon