Ikaw At Ako

16 1 0
                                    


Mahal may tinatawag pa bang ikaw at ako?
Tingin ko kasi wala ng ikaw at ako nalang ang natitira
Ako na umaasang may ikaw pa sa buhay ko , 
Ikaw na lage nandiyan upang pasayahin ako
Ikaw na handang dumamay tuwing ako'y nalulumbay
Mahal bakit tila nagbago ka?
Bakit tila nag-iba ka?
Nagbago , Nag-iba ang dating ikaw
Oo, pareho lang ang kahulugan ng mga sinabi ko
Alam mo kung bakit ?
Kase para mas maintindihan at para mas damang dama mo 
Ang sakit na dulot ng pagbabago mo 
Ikaw na dati , Ang mahal lang ay ako
Sabi mo pa nga sakin 
"Mahal pangako ko sayo ,Hinding hindi ako magbabago"
Pero tang*na mahal asaan na ang pangakong yan? 
Alam mo bang umasa ako
Umasa ako na tutuparin mo yan
Pero hindi pala , Hindi mo pala kayang panindigan ang mga pangakong iyong pinangbibitawan 
Kaya mahal simula ngayon hinding hindi na ako aasa pa
Mahal pinapalaya na kita
Masakit tanggapin pero kakayanin,
Kasi alam kong may dahilan ang pagbabago mo
Kaya mahal simula ngayon wala ng ako
Wala ng ako na mangungulit sayo
Wala ng ako sa buhay mo
Wala ng tinatawag na ikaw at ako at higit sa lahat wala ng tayo 
PAALAM !

 Spoken Poetry (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon