MRS. SORIANO
May ilang buwan na lang bago namin pormal na buksan ang application para sa Miss Universal Queen Philippines. Ilang taon pa lamang namin ito nagagawa kung kaya mabusisi kami kung paano gawing up-to-date at gawing mas interesting ang bawat edisyon ng kompetisyon. Madami kaming ideya na aming pinagsasalin-salin na tiyak naming ikatutuwa ng mga pageant fans.
Dahil na rin dito, halos gabi na kung umuwi ako.
May mga pagkakataon na nakaka-uwi ako ng bahay tapos na silang maghapunan. Nagpapahinga na si Cassian habang nagsisingit ng trabaho si Christian sa kanyang opisina. Hindi na kami madalas magpang-abot sa gabi kung kaya sa umaga ay akin silang pinagsisilbihan at tinitiyak 'kong okey sila bago kami maghiwa-hiwalay ng patutunguhan.
Nang bumukas ang pinto ng aming unit, agad na sumalubong ang tahimik nang salas. Inilapag ko sa ibabaw ng sopa ang aking bag. Tinignan ang hapagkainan na malinis na matapos gamitin.
"Ihanda 'ko lang po 'yong pagkain niyo," Ani Ate Melba na mukhang magpapahinga na rin.
Marahan akong tumango at naupo sa isang silya katapat ng aming dining table. Mag-isa na naman akong kakain. Nilinga ko ang orasan na nasa aming living area, past 8 o'clock na pala ng gabi.
Mabilis na napa-init ni Ate Melba ang pagkain at inihain sa akin.
"Ako na pong bahala dito, ate. Magpahinga na kayo."
Nakakabingi ang katahimikan na bumalot sa aming bahay. Ito ba ang kapalit ng success na mayroon ako ngayon? Ang oras? Lumalaki na si Cassian at ayaw 'kong hindi ko masaksihan iyon dahil lamang sa sinusubsob ko ang sarili sa pagtatrabaho.
Ano na naman ba itong iniisip ko? Nire-regla na naman ba ako?
Kumatok ako ng marahan nang makatapat ako sa pintuan ng opisina namin dito sa bahay. Maingat ko itong binuksan para silipin ang nagtatrabaho 'kong asawa. Napanguso ako dahil nakita 'kong nakasubsob ang ulo nito sa ibabaw ng lamesa, natutulog.
Christian has been working hard for us. Matindi ang dedikasyon niya sa kanyang trabaho. At nakikita ko ang lahat ng iyon. Kagaya ko, pareho kaming nabu-burn out sa pag-o-overtime sa trabaho. Ngunit mas bilib ako sa asawa ko minsan ay lagpas pa sa walong oras ang trabaho. Kung minsan ay anim na oras lang ang itutulog tapos ay gigising upang magtrabaho na sinasabayan niya pa ng pagbabasa para may dagdag siyang kaalaman.
Kaya sa tuwing humihirit ito sa akin, pinagbibigyan ko na. Iyon na lamang ang oras namin para sa isa't isa.
"Love," Marahan kong tapik sa kanya. Bahagya naman itong gumalaw at umungol. "Lipat ka na sa kwarto, love. Doon ka na matulog."
Nag-angat ito ng ulo. Nagulo na ang pagkakapuwesto ng kanyang salamin. Evident pa din ang pagkabitin ng kanyang tulog. Hinaplos ko siya sa kanyang pisngi at sinuklay ang kanyang buhok. Ngumuso ito nang hinila niya ako payakap sa kanya. Dinantay lang niya ang ulo sa akin.
"May kailangan pa akong aralin, asawa ko. Dalhan mo ako ng kape, please?"
"8:30 na rin, love. Matulog ka na lang muna tapos gigisingin kita mamayang 4 a.m.."
Umiling ito habang nakasubsob ang mukha sa aking katawan.
"How will I make love to you kung matutulog na ako,"
Nangisi naman ako't mahinang natawa. "Ikaw talaga, love." Humiwalay na ako sa yakap niya. "Magfe-freshen up lang ako tapos pupuntahan ko si Cassian."
Ngumuso ito upang mag-request ng halik. Bahagya naman akong yumukod para tumapat sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. Napakalambing talaga nitong asawa ko.
BINABASA MO ANG
Love Ever After (A Catch Me I'm Falling Revival) (COMPLETED)
RomanceThis is a five-part special spin-off to revisit the story of Christian and Celestine after their happily ever after began. All Rights Reserved (C)