MESSAGE

88 7 1
                                    

Hi!

Una, gusto kitang pasalamat na nagbabasa at naka-abot na sa parteng ito. May katagalan man ang iyong hinintay para matapos ito ngunit pinagtiyagaan ninyo ay aking lubos na ipinagpapasalamat.

Marami sa mga readers ko ang big fans ng nina Christian at Celestine. Oo, napakadami ninyo. Kahit matagal ko nang natapos ito, patuloy ang pagno-notify ng mga boto at pag-a-add ninyo nito sa inyong mga libraries. Kahit ako mismo, malaki sa aking pagkatao ang pinakamamahal ang kwento nila. Nagsimula sa paghanga ko sa isang college mate, ngayon ay na-immortalize na sa pamamagitan ng istoryang ito.

Noon ko pa ipinangakong maglalabas ako ng sequel para sa Catch Me I'm Falling. Matagal na iyon. Wala pang pandemya. Ngunit narito't naibahagi ko na kung ano ang naging buhay nina Christian at Celestine, at ilan sa kanilang mga kalapit na pamilya't kaibigan pati na bagong tauhan, matapos ang kanilang pag-iisang dibdib.

Nawa'y natuwa kayo sa maikling kwentong ito. Marahil dito na talaga nagtatapos ang kwento ng mag-asawang Soriano. Kung ma-miss man natin sila, balikan natin ang kanilang mga kwento.

At oo, dito na magsisimula ang aking revival o revisit series. Regalo ko ito para sa readers na taga-hanga ng mga karakter na aking isinabuhay sa pamamagitan ng aking mga istorya.

Habang naghihintay ng susunod na kwento, sana ay inyong suportahan ang on-going ko pang mga kwento at bagong ilalabas pa. Sa pamamagitan ng inyong votes at comments, lalo akong ginaganahan sa pagsusulat kahit walang kapalit na sahod. Hehe.

Muli, maraming salamat sa inyo.

PS.

Sana nakapagbasa kayo nang maigi. May easter egg akong inilagay. Para sa susunod nating revival.

Love Ever After (A Catch Me I'm Falling Revival) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon