PART V.II (FINALE)

124 7 2
                                    

MRS. SORIANO

Nasa loob ako ng aming walk-in closet. Nakabukas ang isang aparador habang nawawala sa sarili na pinagmamasdan ang mga damit na nakasabit doon. All dresses in almost all colors. Segregated in every hue.

Hindi ko alam ang susuotin ngayong gabi. Christian set a family dinner at some hotel. Hindi ko alam kung bakit. And I didn't even bother to ask him why.

Mula no'ng uwi namin galing sa bahay ng Lolo Ben, sinubukan kong ibalik ang sigla sa pagitan naming dalawa. Hindi nawala ang pagiging malambing niya. Nabawasan na din ang pag-alis-alis niya. Ngunit dumadating ako sa pagkakataon na kinakain ako ng konsensya. Na dapat ay ipinagtapat ko na ang katotohanang nasaksihan ko.

Bumukas ang pintuan ng aming kwarto habang naka-upo ako sa harapan ng aking salamin at nag-aayos. Nakabihis na si Christian sa kasuotang pinapili niya sa akin. A pair of dark blue coat and pants and a white cotton shirt inside. Ngumisi ito sa salamin at bumaba upang dumampi ng halik sa aking pisngi.

"Nakapagbihis na ba ang mga bata?"

"Hmm," He answered nodding as he fixes his hair. "We'll be heading out in 15 minutes para ma-abutan natin 'yung sunset."

"I'll be done quickly."

A while later, we arrived at the hotel's pathway. The valet opened the doors for us as I, Seve, and Cassian went out. Christian gave the keys to the valet parker to park our car. He stood beside me as Seve held his hand while Cassian held mine. We entered the glamorously vintage-decorated hotel. A hotel staff led us to the elevator that brought us to The Penthouse.

Rizal Park's The Penthouse has the most priceless view of the sea and the latter happening sunset. The staff greeted us as we were about to enter the indoor part of the restaurant. As the doors opened, I immediately saw the table reserved for us.

The kids ran towards the table the moment they saw their grandparents. But what surprised me and made me smile is when I saw Lolo Ben. Hindi ko akalain na makakasama namin siya ngayong gabi. I hurriedly went to him and hugged him.

"You look beautiful tonight, my apo." Lolo Ben acknowledge my beautiful presence.

My thigh-high length body-hugging silk fuchsia dress was highlighted in this early 20s interior with dark blue velvet-covered chairs and chandeliers. Bumeso din ako sa aking in-laws na kay gagandang tao sa gabing ito. It seems like we are not only having an ordinary dinner but celebrating something special.

Nadala ako sa kumustahan namin na paglinga ko sa aking gilid, wala pala doon ang asawa ko. Lihim akong luminga sa aking natatanaw habang may sinasambit ang Papa Clarence kay Mama Ciara. Ngunit agad 'ko ding nakita si Christian na naglalakad na patungo sa amin. Tumabi ito sa akin at yumapos sa aking bewang.

"Saan ka galing?" Banayad kong tanong sa kanya upang maitago ang aking pagka-inis.

"I saw Mr. Panganiban. Nagka-usap lang kami sandali."

Nagkatinginan silang mag-ama at ginayak na kaming lahat upang maupo. I was seated on Christian's left as he sits on Lolo Ben's left who is seated at the kabisera. The servers immediately served us their soup. Salads and appetizers were served after. And as we start our meal, conversations started as well. I had to keep going with the topic as I guide Cassian, who was seated on my left.

Kapag napapasilip ako kay Christian, habang nakikipag-usap sa kanyang papa at lolo, panay ang linga nito sa kanyang Apple Watch. His attention is not a hundred percent on us. Ma-responsibilidad siyang tao pero nangako siyang sa amin ang pokus niya ngayong gabi.

"Hm-mm," Tumikhim ito na aking hindi inaasahan. Bumaling ito ng tingin sa amin. May handang i-anunsyo. "Before we go on further to the night, allow me to disrupt our conversations with this short message."

Love Ever After (A Catch Me I'm Falling Revival) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon