MRS. SORIANO
Pa-tanghali na nang bagtasin ko ang daan patungo sa opisina. Pagkatapos 'kong ihatid si Cassian sa school, nag-aya pa ng breakfast ang ilang co-parents ko doon na naging kaibigan. Ang akala ko nga'y walang kakaibigan sa akin pero heto't ilang taon ko na din sila nakakasama.
Bahagya akong umindayog sa pinatutugtog ko nang mawala ito at mapalitan ng ring. Nagpapa-accept ng video call si Catherine. Pinindot ko sandali ang green button para sagutin ito.
"Ate kooo!" Bungad niya sa kabilang linya.
"Catheriiiiiine!" Napatinis din ako ng boses. "Kung maka-bungad naman din tayo, oo, parang hindi tayo araw-araw mag-usap."
"Ngayon lang naman na tayo ulit nakapag-video call. Tagal na 'yong last natin."
"Aba, kailan ba 'yung huli?"
"No'ng Thursday. Kitams matagal na." Pahapyaw naman akong sumilip sa phone at nakita 'kong sinama niya si Lavinia.
"Hi, Ate Toni!" Kaway naman niya. "Kumusta po?"
"Ito din namang isa kung maka-kumusta para hindi magkachat kaninang umaga!" Hirit ko na nagpatawa sa dalawa.
Sina Catherine at Lavinia ay naiwan na doon sa probinsya namin. Sila na ang nagbantay ng bahay doon ng yumao naming si Tiya Jacintha. Noong maka-ipon pa ako nang mas malaki, pinagawa ko ang bahay na 'yon. Pinataasan 'ko at ginawang sementado. Nagdagdag ng ilang kwarto dahil sa tuwing umuuwi kami, imbes na sa hotel ay sa bahay na lang kami tumutuloy.
Pinilit ko na maging komportable ang kanilang buhay doon sa probinsya. Wala ako doon kung kaya ilang katiwala sa bahay ang kasama nila. Wala na rin naman kaming iba na kilalang kamag-anak maliban sa mga kaibigan ng Tiya Jacintha na kasa-kasama nila roon.
Nitong April lang sabay na grumaduate ang dalawa ng college. Si Lavinia ay Finance ang kinuha habang Business Management naman si Catherine. Sa parehong unibersidad na kilala sa probinsya ko pinag-aral ang dalawa. Kapag may pagkakataon, pinipilit namin na umuwi sa kanila kada linggo para kumustahin sila. Pinakamatagal na naming stay doon ay isang linggo dahil na rin sa aming mga trabaho kaya mahaba na ang panahong ito.
Matagal ko na nga silang hinihikayat na dumito na sa Manila magstay at ipaubaya na sa mga katiwala ang mga negosyo namin doon ngunit ayaw nila. Nakasanayan na nila ang buhay doon. Napagsabay nga din nila ang pag-aaral at pag-aasikaso sa negosyo. Kaya grabe ang paghanga ko sa magpinsan na 'yan.
* * *
Christian and I decided to meet for lunch. Sabi niya, kumain na lang kami kung saan malapit sa opisina ko. May meeting din daw kasi siya sa hapon malapit sa area para hindi na siya bumalik ulit.
Nakaharap ako sa aking mirror stand na nasa lamesa habang nagre-retouch. Mag-e-11:30 na din kasi ng umaga at usapan namin ay bago mag-12 ng tanghali ay nandito na siya. Kinuha 'ko ang phone ko para i-dial ang kanyang number. Hindi ito nagring at kusang namatay ang tawag. Nakapatay yata ang phone niya.
Ang kanyang sekretarya naman ang tinawagan ko. Ilang sandali pa ay suamgot din ito agad.
"Good morning, Ma'am Celestine," Boses ito ng isa ding dalagitang-ina.
"Hi, Krizia. Good morning din! May I ask if naka-alis na si Sir Christian mo? Hindi kasi sumasagot sa tawag ko."
"Yes po umalis na po siya."
"Mga what time siya umalis?"
"Around 10:30 AM po siya umalis..."
Nabingi na ako't hindi na narinig pa ang mga sunod na sinambit ng sekretarya. Gano'n ka-aga siya umalis, eh, tanghali ang usapan namin.
BINABASA MO ANG
Love Ever After (A Catch Me I'm Falling Revival) (COMPLETED)
RomanceThis is a five-part special spin-off to revisit the story of Christian and Celestine after their happily ever after began. All Rights Reserved (C)