MRS. SORIANO
Katanghalian, itinuloy ko ang pakikipagkita kay Max.
Umaga nang tinawagan ko si Max para sa isang lunch out. Walang anu-ano'y pumayag din naman siya. Pinili ko ang pinakamaganda kong kasuotan para sa araw na 'yon. A sangria-colored tuxedo mid-thigh length dress and a pair of black Louboutin. At pinili 'ko ang darkest red color ng lipstick na mayroon ako.
Ngayon, sa isang steak house sa Burgos Circle, magkatapat na kaming dalawa.
He was dressed in a business casual outfit mainly because he came from work. His well-mainted moreno skin color matches his Adonis-like feature. Kape at gatas sila ni Christian noon. Nakakalungkot lang dahil hindi naging maganda ang kinahinatnan ng relasyon nila bilang magkaibigan.
At first, it feels awkward to be with him. Kinamumuhian ni Christian ang taong ito noon pa. Magkaribal sa maraming bagay lalo na noong nalaman niyang pinagtaksilan niya noong ex-girlfriend niya sa lalakeng ito. And now, he's with me.
"Toni?"
Napa-angat ako ng tingin. Napatulala na pala ako sa pagkain 'kong nakahain sa lamesa.
"Hmm?"
"Look," Ibinaba niya ang mga kubyertos na hawak. "I know it feels uncomfortable to be around me. Hindi ko nga alam kung aware si Christian—"
"No," I butted in. "He doesn't know about this. And he doesn't even need to know." Firmly, I said.
May mga sarili akong desisyon that I can handle myself. But I thought to my self, tama ba itong ginagawa ko? If Christian knows about this, magagalit ba siya? Was I in proper sanity? Was my goal in meeting Max to make Christian angry?
"So," I started a different conversation in a trying to be comfortable manner. "How are things going? Gaano ka na katagal sa company mo?"
Max then started to look unsure. "I believe we have talked about that earlier."
"Oh," I said almost whispering.
"Hey, Toni, maybe you should figure things out first being doing this move. Malaki ang naging kasalanan ko sa asawa mo and I don't want to be the reason for the both of you to have a misunderstanding,"
Max places the table napkin from his lap onto the table. He pleasantly smiled at me.
"It was nice to meet you again, Toni. Send my regards to Christian."
And Max went off.
Gabi na nang maka-uwi ako ng bahay. Katatapos lang nilang maghapunan. Naglilinis na si Ate Melba habang binabalot na ng katahimikan ang buong salas. Isinarado ko ang pintuan sa aking likuran at lumakad na papasok ng bahay.
"Ate Melba," Tawag ko sa aming kasambahay. Naabuntong-hininga ako. Wala ako sa tamang ulirat. "Naka-uwi na si Christian?"
Bumukas naman ang pintuan ng bahay. Hindi ko ito pinansin bagkus ay nanatili akong nakatayo sa likod ng aming sopa. Napa-igtad ako nang bumagsak pasara ang pintuan ngunit pinilit kong tumindig.
"How's my loving wife?" I could hear sweetness from his voice. Nang makalapit siya'y hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at dinampian ako ng halik sa pisngi.
Inilapag niya ang bag niya sa sopa. "Dumaan ako sa office niyo kanina. I was going to bring you to a newly opened resto sana kanina. Where were you?"
He stood beside me. Nakaramdam ako ng kaba. Thoughts rushed in my head. Napapamasahe ako ng aking kamao. 'Yung galit ko kay Christian ay napalitan ng pagdadalawang-isip. Bakit ako gumawa ng hakbang na walang pagkakapareha sa ginawa niya?
BINABASA MO ANG
Love Ever After (A Catch Me I'm Falling Revival) (COMPLETED)
RomanceThis is a five-part special spin-off to revisit the story of Christian and Celestine after their happily ever after began. All Rights Reserved (C)