"Ay hala! Sorry!"Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa habang pinagmamasdan siyang pinupunasan ng kanyang panyo ang suka ko na nasa damit niya.
What a mess.
And damn, my head is still spinning and my heart is beating crazily fast, pakiramdam ko ay masusuka pa akong muli.
"I-I'll just buy you a new shirt." Nanghihina kong sabi habang kinucompute sa isip ko kung ilan ba ang natira sa naitabi kong pera ngayong linggo.
Dahan-dahan kong inilabas ang wallet mula sa bag na dala ako at kumuha ng 500. May isang boutique akong nakita sa tabi kaya naglakas loob na akong lumapit sa kanya at inilagay sa kamay niya ang pera.
"Just buy a shirt. Sana kasya na 'yang pera. Pasensya na talaga." pagod kong sabi bago tumalikod.
I was trying my best to walk properly when he called me again.
"Miss! Sandali, please! You forgot something."
What? Ano nanaman?
Kahit na ayaw ko ay lumingon ako, para matapos na at makauwi na ako, dahil pagod na ako at gusto ko munang magpahinga.
"What?"
"'Yong notebook mo. Nagmamadali ka naman masyado." He smiled but I didn't, dahil wala namang nakakatuwa. In fact, he's holding much of my time. I'm thankful and sorry, alright, pero hindi ba niya nahahalata na hindi ako 'yong tipo ng tao na gustong makipagchikahan sa iba, lalo na sa taong hindi ko naman kilala? At masyado bang mahina ang common sense niya para makitang hindi ako okay at gusto ko ng umuwi?
Hayy.
"Salamat." Hinablot ko na sa kanya ang notebook at tumalikod.
I was about to walk away when he suddenly held my arm.
"Hindi ka okay."
That wasn't a question. That was a statement.
He then looked at me like he could see my soul and smiled.
What's with this guy? Why does he look so friendly...and odd.
Napapikit ako ng mata nang maramdaman nanaman ang pagsikip ng dibdib ko.
This is why I hate people and their attention. Because it makes me nervous and anxious.
I need air, kailangan ko ng hangin. And this crowded street won't give me that, pero saan ako pwedeng pumunta? Nahihirapan na ako.
"Hangin, kailangan ko ng hangin." Mahina kong sabi at dahan-dahang kinalas ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Teka, you can't go like this, Miss." Muli niyang hinawakan ang braso ko kaya muli rin akong napatingin sa kanya. "Halika, may alam akong lugar kung saan makakalanghap ka ng medyo malakas na hangin."
I'm supposed to decline because I don't talk to strangers, but that day, I surprisingly let a stranger drag me. Akala ko noon ay mapapahamak na ako, I was worried when I realized that I'm with a stranger no'ng nasa loob na kami ng elevator, ngunit lingid sa aking kaalaman, ang pagkakataong 'yon pala ang nagsilbing simula ng mga pagbabago sa buhay ko.
"Saan mo ako dadalhin? Bakit nasa elevator tayo?" Nagpapanic kong tanong nang matauhan.
He looked at me weirdly and sighed.
"Huwag kang mag-alala, Miss. Wala akong balak sayo, hindi kita type. At hindi ako gano'ng klaseng tao." Natatawa niyang sabi kasabay ng pagbukas ng elevator sa hindi ko malamang palapag.
Ang naalala ko lang ay hinila niya ako papasok ng isang building sa Morayta at pumasok kami sa elevator.
Marahan niyang hinawakan ang braso ko at iginiya sa isang pinto na dahan-dahan naman niyang binuksan.
BINABASA MO ANG
Chase or Free
Teen FictionUniversity Belt Encounter Series #6 ON-HOLD "Chase her dreams or live life freely?" That's her dilemma. Growing up in a simple and not known family, Atasha Mari felt pressured to create a change, she wanted to give her family a comfortable and pro...