One month, huh?Habang pauwi ako sa jeep ay nililista ko na sa isip ko ang mga bagay na pwede kong gawin para makaipon ng pambayad.
Siguro'y kailangan ko munang huminto sa pagbili ng mga inumin o 'di kaya ay pagkain sa loob dahil mahal. Mas makakatipid ako kung magluluto at magbabaon nalang ako, tsaka tubig nalang siguro ang iinumin ko at huwag ng juice o milktea. At kung hindi pa rin kaya ay baka tumanggap ulit ako ng mga commissioned works dahil minsan ko na rin 'yong nagawa noon.
Pagkarating sa tapat ng bahay namin ay naabutan ko si nanay na kausap ang marites naming kapitbahay. Ayaw kong nagkakausap sila ni nanay dahil panay tsismis lang na walang katuturan ang hatid niya, ngunit hindi ako pinalaking bastos kung kaya't lumapit pa rin ako sa kanya para bumati at magmano.
"Magandang gabi po."
"Oh, andito na pala etong matalinong anak mo. Balita ko magcucumlaude ka raw? Aba eh! Advance congratulations na agad, mare!" Nakangisi niyang sabi at naguluhan naman ako bigla.
Saan ba niya napulot 'yon?
"Balita ko'y sa sobrang seryoso sa pag-aaral ay hindi na masyadong lumalabas ng kwarto. Ang swerte mo naman sa anak mo, napaka sipag at masunurin! At aba eh, balita ko'y magdodoctor, totoo ba 'yon?"
"Ah, oo, mare. Iyon ang pangarap niya kaya suportado namin. Mahirap at malaki ang gastos pero malaki naman ang tyansa na makakuha siya ng scholarship kung makakapagtapos ng cum laude."
I sighed. Here we go again.
Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain dahil gutom na ako. May nakita akong kakanin at kakainin ko na sana sa maliit naming dining table nong pumasok si Aling Marites at si nanay na tila masayang nagkukwentuhan.
"Oh, anak may tinapay d'yan at kakanin. May juice din sa ref. Kumain ka muna, baka napagod ka."
Tumango ako. "Sige, nay. Uh, sa taas nalang po ako kakain. May gagawin pa po kasi ako, isasabay ko nalang."
Tinalikuran ko na sila at umakyat ako. Agad kong ininom ang juice at kinain ang dala ko pagkapasok ko.
My heart's beating so fast and I'm sweating a lot again. I feel so nervous, and it's scary. Hindi pa ako tapos kumain ay naduduwal nanaman ako kaya dali-dali kong kinuha ang arinola sa ilalim ng kama ko at doon sumuka.
Nanghihina kong sinandal ang sarili sa paanan ng kama ko. I took series of deep breaths and opened my phone to play some calming music para mapakalma ang sarili ko.
Nakakapagod. Nakakasawa ng paulit-ulit nalang na ganito.
Minsan, I am thinking of getting checked for dahil may libre namang mental health services sa school, but I'm scared and too busy to do that.
Baka malaman pa nina nanay, baka mag-alala pa sila ng sobra.
Nang medyo kumalma na ay umupo na ako sa study table at hinanap ang journal ko. It's always my routine. Araw-araw ay sinusulat ko lahat ng gusto kong sabihin, masasaya man, malulungkot, o nakakasakit na mga bagay. At sa tuwing ginagawa ko 'yon, pakiramdam ko'y nababawasan ang bigat ng dinadala ko, dahil pakiramdam ko'y hindi ako nag-iisa, pakiramdam ko may karamay ko.
My journal has been my best friend ever since I was in elementary. Dahil kahit noon pa man ay hindi ako nasanay na sumasama sa mga kaedad ko. I feel like they're too carefree and easygoing, at hindi ako nararapat na sumama sa kanila.
My personality is boring and maybe it seems like I hate fun, kahit na ang totoo ay gusto ko rin namang maranasan ang mga bagay na ginagawa nila.
I want to live a normal life, too.
'Yong hindi ganito, 'yong hindi mo naiisip bawat oras na sayo nakakasalalay ang lahat at kung pumalpak ka ay wala ng ibang babawi para sayo. I want to live a pressure-free life, pero alam ko ring imposible iyon sa kagaya ko. Because I feel like I am bound to have this kind of life, at sana nga'y kayanin ko hanggang dulo.
Sana'y kayanin kong tuparin ang pangarap na 'to. Pangarap na habang tumatagal ay hindi ko na alam kung akin ba talaga...o kanila.
And now, they're expecting me to graduate as a cum laude, pero hindi ko na alam kung kaya ko pa bang gawin 'yon. It's so hard, studying while dealing with this kind of attacks is so hard, at minsa'y hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
There were times that I even thought of rebelling, pero agad ko ring napagtanto na mas lalala lang ang lahat kung gagawin ko 'yon.
I smiled as I looked at the old notebooks on my shelf.
Those were the stories I wrote since I was in high school. Childish, maraming mali, at jejemon pa, but it gives me comfort whenever I read it, because it reminds me that I can still build the life that I want. Not in person, just in paper, pero nakakatuwa pa rin.
Fiction stories helps me escape my pressuring reality, as it allows me to experience another world that's far from what I have. It makes me happy, it makes me hopeful, and it makes me feel stronger.
I sighed deeply as I glanced at my med books.
Pero ano nga ba talaga ang gusto ko? Ano nga ba talaga ang tunay kong pangarap?
A dream that's pressuring? Or a dream that's freeing?
But I need to become successful, I need to redeem our family's name, and prove to people that we're not just dirt! I need to show them that we don't deserve to be insulted!
Pero...bakit...bakit kailangang lahat ng gawin ko ay nakabase sa sasabihin at tingin ng ibang tao?
Paano naman ang sarili ko at ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin?
"No, I can't live this way forever. But..."
I closed my eyes and placed my palms around it.
Thinking is exhausting. So damn exhausting. I feel trapped and I hoped that someone could get me out of here, just like those protagonists in the stories I've read. I hope someone could save me from this dungeon.
The next day was just like usual. I did what I needed to do. I attended classes, took notes, recited, attended group meetings, and took quizzes.
I was walking like a zombie habang papalabas ng gate 4 nang tumunog ang phone, hudyat na may tumatawag. Agad ko naman 'yong sinagot dahil akala ko ay si nanay.
"Hello, are you busy?" Bungad ng nasa kabilang linya na agad ikinakunot ng noo ko.
Inilayo ko ang phone sa tenga ko at tiningnan ang screen. Agad namang nanlaki ang mata ko dahil sa napagtanto.
It's him! The guitar slash 2,280 guy!
BINABASA MO ANG
Chase or Free
Teen FictionUniversity Belt Encounter Series #6 ON-HOLD "Chase her dreams or live life freely?" That's her dilemma. Growing up in a simple and not known family, Atasha Mari felt pressured to create a change, she wanted to give her family a comfortable and pro...