Chapter 3

32 1 0
                                    


"Gaga! Gaga ka!" I repeatedly slapped myself habang mabilis na naglalakad sa P. Campa.

I fucking swear na hindi na ako iinom pang muli, lalo na kasama ang isang stranger! Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagawa ko 'yon? I must be really out of my mind!

Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko.

Fucking hangover, ganito pala 'yon. And I even have the urge to vomit. Konting-konti nalang talaga ay susuka na ako.

Just fuck! Bakit kasi? And what the hell really happened after I blackout?

Ang naaalala ko lang ay nasa rooftop kami, umiinom, tapos kinakausap ako no'ng lalaki, I cried and fuck...

I told him things! Hindi ko maalala lahat ng eksaktong sinabi ko but I'm sure that I told him things that I've never told someone before! And why does it have to be a stranger like him?

Dahil sa inis ay napapadyak ako sa gilid. Damn...and what happened next?

Muli akong napapikit nang maalalang tinugtugan niya ako ng gitara dahil sumagot akong gusto ko, and then, he played a sweet song, almost like a lullaby, then I...

"Ano ba talagang nangyari?" I angrily whispered to myself dahil wala na talaga akong ibang maalala pagkatapos no'n.

My body hurts but I don't think I'm sexually assaulted, at umaasa akong hindi nga. It doesn't hurt down there, but then, sexual assault doesn't only cover penetration. If he touched my intimate parts without my permission, then that's also sexual assault.

And fuck! Wala akong kalaban-laban dahil sa katangahan ko. Pero sana ay hindi, dahil kahit papaano ay naniniwala akong hindi pa rin siya masamang tao. However, waking up in a hotel is already a bad indicator.

Maliban doon ang may isa pa akong problemang haharapin. Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si nanay na naghahanda paalis.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi? Tinatawagan kita pero nakapatay ang cellphone mo. Nag-alala ako, tatawag na sana ako ng pulis kung hindi ka pa nakauwi ngayon. Saan ka ba talaga galing at sino ang mga kasama mo? Hindi ka man lang nagpaalam, isipin mo naman ang mga taong nag-aalala sayo."

Napapikit ako dahil sa sunod-sunod niyang tanong. Hindi ko alam kung saan ba ang uunahin kong sagutin doon. I want to tell her the truth and admit that I did something crazy and regretful pero natatakot ako na baka maghysterical siya kapag malaman niya 'yon. Baka mahighblood pa siya dahil sa galit.

"May tinapos lang pong schoolworks. Sa bahay po ng kagrupo ko ako nakatulog at nalowbat po ako kaya hindi niyo matawagan. Pasensya na, nay. Hindi na po mauulit." Pagod kong sagot bago hinawakan ang sentido kong sumasakit.

"Halos hindi ako nakatulog magdamag kakahintay sayo. Akala ko may nangyari ng masama sayo. Jusko, hindi ka namin pinalaki ng ganyan, kaya huwag mo ng uulitin. Huwag mo na akong pinag-aalala."

"Opo."

"Aalis ako ngayon. Wala ka namang pasok kaya ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. At oo nga pala, kumusta ang resulta ng exam niyo?"

I sighed. Akala ko ay matatakasan ko na pero hindi pala talaga.

"Ayos lang po," pilit kong sagot kahit na hindi naman talaga 'yon ang totoo. "Aakyat na po ako sa kwarto, ingat po kayo." Tumalikod na ako at mabilis na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay namin.

I held my chest when I got inside my room.

Takot na takot talaga akong madisappoint sila sa akin, pero habang tumatagal, pakiramdam ko'y 'yon na talaga ang nangyayari. I'm slowly becoming a failure.

Chase or FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon